Frasco TOURISM GOALS–Dumalo sa isang event sina (mula kaliwa) Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) Chief Operating Officer Mark Lapid, Philippine Hotel Owners Association (PHOA) President Arthur Lopez, Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco, Philippine Tourism and Hotel Investment Summit 2024 Organizing Committee Chair Francis Gotianun at PHOA Executive Director Benito Bengzon Jr.

Tagumpay ng PH turismo binigyang-diin ng Sec. Frasco

Jon-jon Reyes Jun 22, 2024
104 Views

BINIGYANG-diin ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia-Frasco ang mga tagumpay ng industriya ng turismo sa Pilipinas sa kauna-unahang Philippine Tourism and Hotel Investment Summit 2024.

Sa event na inorganisa ng Philippine Hotel Owners Association, Inc. (PHOA), sinabi ng kalhim na: “Mula nang magsimula ang pandemya, ang mga sukatan para sa pagganap at tagumpay ng turismo umunlad.

Sa buong mundo, ang performance ng turismo nasusukat sa mga resibo ng bisita, dahil ito ang paggastos ng ating mga turista na sa huli nakikinabang sa ating ekonomiya at nagbibigay ng kabuhayan sa mga Pilipino,” sabi ni Kalihim Frasco.

Iniulat ni Kalihim Frasco na ang mga pamumuhunan sa turismo noong 2023 umabot sa P509 bilyon kumpara noong 2022.

“Ang kapangyarihan ng turismo upang mapabuti ang buhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng paglikha ng trabaho nakasalalay sa dalawang kritikal na mga driver ng paglago ng turismo: mga paggasta sa turismo at pamumuhunan sa turismo,” sabi ni Kalihim Frasco.

Ipinahiwatig ni Frasco ang paglulunsad ng Philippine Hotel Industry Strategic Action Plan (PHISAP) katuwang ang PHOA.

Tinalakay din ni Frasco ang pitong Strategic Goals and Objectives sa ilalim ng National Tourism Development Plan (NTDP) 2023-2028, ang flagship Tourism Enterprise Zones (TEZs), tourism investment sa pamamagitan ng CREATE law at ang rebisyon ng National Accommodation Standards (NAS) para sa Mga Hotel, Resort at Apartment Hotel.

Inanunsyo nito ang pagpapalabas ng DOT ng pinalawak na mga alituntunin para sa mga Muslim-friendly na mga establisyemento ng tirahan.

“Inilatag namin ang batayan sa pamamagitan ng National Tourism Development Plan, mga tourism enterprise zone, gayundin ang aming pakikipagtulungan sa inyong lahat.

Ang bisyon ng ating Pangulo nangangailangan ng inyong patuloy na suporta,” ayon sa opisyal.

Malugod na tinanggap ni Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) Chief Operating Officer Mark Lapid at PHOA President Arthur Lopez ang mga delegado na binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan at pamumuhunan sa turismo sa bansa.

Kabilang sa mga kilalang dumalo ang Ambassador ng Malaysia sa Pilipinas na si Dato Abdul Malik Melvin Castelino, Ambassador ng Vietnam sa Pilipinas na si Lai Thai Binh, Executive Director ng PHOA na si Benito Bengzon, Jr., at iba pang opisyal mula sa DOT at mga kaakibat nitong ahensya, mga stakeholder ng turismo, hotel at accommodation executives at mga pinuno ng aviation.