Magsino

Magsino: Dapat magkaroon ng matinding protection para sa mga Pinoy seafarers

Mar Rodriguez Jun 24, 2024
105 Views

Magsino1𝗜𝗚𝗜𝗡𝗜𝗚𝗜𝗜𝗧 𝗻𝗶 𝗢𝗙𝗪 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆 𝗟𝗶𝘀𝘁 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝘀𝘀𝗮 “𝗗𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗿” 𝗣. 𝗠𝗮𝗴𝘀𝗶𝗻𝗼 𝗻𝗮 𝗸𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗸𝗮𝗿𝗼𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘁𝗶𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼 “𝗶𝗻𝘁𝗲𝗻𝘀𝗶𝗳𝗶𝗲𝗱 𝗽𝗿𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻” 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝗵𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗴 𝗰𝗼𝗺𝗽𝗮𝗻𝗶𝗲𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝘀𝗲𝗮𝗳𝗮𝗿𝗲𝗿𝘀 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗴𝘁𝗮𝘁𝗿𝗮𝗯𝗮𝗵𝗼 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗼𝗺𝗽𝗮𝗻𝘆𝗮 𝘀𝗮 𝗴𝗶𝘁𝗻𝗮 𝗻𝗴 𝗽𝗲𝗹𝗶𝗴𝗿𝗼𝗻𝗴 𝗸𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝗵𝗮𝗿𝗮𝗽 𝗻𝗶𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝗯𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗴𝗮𝘁.

Ayon kay Magsino, panahon na upang magbalangkas ang gobyerno ng isang masidhi o matinding protection upang mapangalagaan ang mga Pinoy tripulante mula sa iba’t-ibang panig ng mundo na laging nasusuong at nahaharap sa bingit ng peligro gaya ng walang habas na pag-atake ng mga sea-pirates.

Pagdidiin ni Magsino, dapat lamang na mabigyan ng kaukulang proteksiyon ang mga Filipino seafarers sa lahat ng pagkakataon lalo na sa tuwing sila’y maglalayag sa napakadelikadong karagatan na anomang oras ay maaaring sumalakay ang mga pirata.

Nananawagan ang kongresista sa mga kompanya o shipping companies na kumukuha ng mga Pinoy seafarers na kinakailangan nilang paigtingin ang pagpapatupad ng seguridad para mapangalagaan nila ang buhay ng mga Pilipinong marino na nagta-trababo sa kanila.

Iiminungkahi ng mambababatas ang pagkakaroon ng patrol boat na aagapay sa kanilang barko habang sila ay naglalayag upang maiwasan ang sakuna.

“Filipino seafarers should be protected at all times especially when navigating dangerous areas at sea. Nananawagan ako sa mga bansang kumukuha ng ating mga marino na paigtingin ang seguridad sa kanilang mga vessels kung maaari ay may kasama silang patrol boats hahang sila’y naglalayag upang maiwasan ang sakuna,” ayon kay Magsino.

Kinatigan din ni Magsino ang ikakasang plano ng Department of Migrant Workers (DMW) patungkol sa pansamantalang pagpapahinto o “temporary ban” para sa deployment ng mga Pinoy sailors sa mga lugar na kilalang “hot zone”.

“We should study this as an option together with the maritime insustry stakeholders. If this will make ship owners doubly cautious and more mindful of the safety of their crew, then we will support a temporary ban,” wika pa ni Magsino.

Winika din ni Magsino na inaasahan na mas lalo pang magkakaroon at mabibigyan ng naaangkop na potection at maayos na kompensasyon ang mga Filipino seafarers na nakapaloob mismo sa Magna Carta for Filipino Seafarers na kasalukuyang nakapending para sa gagawing paglagda ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. bago tuluyang maging ganap na batas.