Valeriano

Dagdag na cash ayuda ng PhilHealth para sa mga diabetic, ikinagalak ni Valeriano

Mar Rodriguez Jun 24, 2024
81 Views

𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗟𝗔𝗞 𝗻𝗶 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝟮𝗻𝗱 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗥𝗼𝗹𝗮𝗻𝗱𝗼 “𝗖𝗥𝗩” 𝗠. 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗿𝗶𝗮𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗮𝗽𝗿𝘂𝗯𝗮 𝗻𝗴 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗕𝗼𝗮𝗿𝗱 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗵𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗶 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗙𝗲𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻 𝗚𝗼𝗺𝗲𝘇 𝗥𝗼𝗺𝘂𝗮𝗹𝗱𝗲𝘇 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗱𝗮𝗴𝗱𝗮𝗴𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗳𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗮𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗻𝗮 𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮-𝗱𝗶𝗮𝗹𝘆𝘀𝗶𝘀 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗱𝗶𝗮𝗯𝗲𝘁𝗶𝗰 𝗽𝗮𝘁𝗶𝗲𝗻𝘁𝘀.

Ayon kay Valeriano, chairperson ng House Committee on Metro Manila Development, malaki ang maitutulong ng dagdag na “cash ayuda” ng PhilHealth para sa mga diabetic patients na ang karamihan ay nagmumula sa mahihirap na pamilya at pasyente o ang tinatawag na indigent patients.

Sabi pa ni Valeriano, tiyak na ikatutuwa aniya ng napakaraming mamamayan ang naging aksiyon ng PhilHealth para sa kanilang mga kamag-anak o mahal sa buhay na mayroong sakit na diabeties. Sapagkat makakagaan sa kanilang napakabigat na gastusin ang “financial assistance”.

Paliwanag ng kongresista, sa kasalukuyang panahon, nakakaalarma ang dumaraming bilang ng mga Pilipinong tinatamaan ng sakit na diabeties batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) kung saan 4.5 milyong Pinoy ang diabetic na mahigit sa isang milyon naman ang sumasailalim sa dialysis.

Ayon pa sa kongreista, sa gitna ng kahirapang nararanasan ng mga indigent diabetic patients,malaking tulong ang naging hakbang ng PhilHealth sapagkat hindi na kailangan pa nilang problemahin ang gamot at iniksiyon na kakailanganin nila dahil ang lahat ng ito’y sasagutin na ng PhlHealth.

“Ikinagagalak natin ang naging aksiyon ng PhilHealth Board sa request ni Speaker Romualdez dahil tiyak na napakaraming indigent patients ang mabibiyayaan ng programang ito lalo na ang mga mahihirap na pasyente na nahihirapan sa pagpapa-dialysis sa gitna ng krisis at kahirapan,” wika ni Valeriano.

Nauna rito, inaprubahan na ng PhilHealth Board sa pangunguna ni DOH Sec. Ted Herbosa ang naging request ni Speaker Romualdez para madagdagan ang financial assistance ng PhilHealth para sa pagpapa-dialysis ng mga diabetic patients sa buong bansa.