Martin

Speaker Romualdez mas nais tutukan ang Leyte sa halip na tumakbong senador sa 2025

Mar Rodriguez Jun 27, 2024
136 Views

Martin1Martin2Martin3Martin4𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗸𝗮𝘆 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗙𝗲𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻 𝗚𝗼𝗺𝗲𝘇 𝗥𝗼𝗺𝘂𝗮𝗹𝗱𝗲𝘇 𝗻𝗮𝗶𝘀 𝗺𝘂𝗻𝗮 𝗻𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝘁𝘂𝘁𝘂𝗸𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗟𝗲𝘆𝘁𝗲 𝘀𝗮 𝗵𝗮𝗹𝗶𝗽 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴𝘁𝘂𝘂𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝘀𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘁𝗮𝗸𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗦𝗲𝗻𝗮𝗱𝗼𝗿 𝘀𝗮 𝗱𝗮𝗿𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝗺𝗶𝗱-𝘁𝗲𝗿𝗺 𝗲𝗹𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀.

Ito ang naging tugon ng House Speaker matapos itong tanungin ng mga mamamahayag kung binabalak ba nitong kumandidatong senador sa darating na 2025 elections.

Ayon kay Speaker Romualdez, ang nais nitong gawin sa kasalukuyan ay ang mag-focus o pagtuunan ng atensiyon ang mga pangangailangan ng kaniyang mga kababayan sa Leyte sa halip na atupagin nito ang pagtakbong Senador.

“Ang nais muna natin tutukan ay ang ating Distrito sa Leyte. Iyan muna ang ating concentration. Diyan na muna natin ibubuhos ang ating trabaho at marami pang trabaho sa Kamara ang kinakailangan nating atupagin,” ang pahayag ni Speaker Romualdez sa ibinatong tanong ng mga Media.

Ang naging pahayag ni Speaker Romualdez ay kaugnay sa ginanap na event sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) matapos pangunahan ng Lider ng Kamara de Representantes ang “ground breaking ceremony” para sa ipapatayong Hemodialysis Center na tinaguriang iiwang “legacy” ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr.

Sabi ni Speaker Romualdez, inaasahan na libo-libong pasyenteng Pilipino na dumaranas ng kidney problem at sumasailalim sa dialysis session ang inaasahang matutulungan ng Hemodialysis Center upang mapahaba pa ang kanilang buhay.

“Today we are not just building an edifice. We are laying the foundation for hope, modern healthcare and better quality of life for millions of Filipinos suffering from kidney ailments,” sabi ni Speaker Romualdez sa kaniyang mensahe sa ginanap na ground bdeaking ceremony sa NKTI.

Binigyang diin pa ni Speaker Romualdez sa kaniyang mensahe na ang bawat dialysis machine na gagamitin ng bawat pasyente partikular na ang mga mahihirap na mamamayan ay katumbas ng buhay na maaaring masagip at magkaroon ng pag-asa.

“Ang bawat dialysis machine na gagamitin dito ay katumbas ng buhay na maaaring masagip at mga pamilyang magkakaroon ng pag-asa at mga pangarap na maaari pang matupad,” ayon pa sa House Speaker.