Gosiaco

Ylaysha Musngi Gosiaco

167 Views

Ang apo ng veteranong WWII at war hero na si 1st Lieutenant/Dr. Mercedes Cuello Lazaro- Musngi na kilala rin bilang “Mommy Ched” na isang medical missionary doctor, si Ylaysha M. Gosiaco ay isang batang manunulat na ang puso ay makasulat din para sa masa lalo na para sa kabataan ngayon. Kilala bilang “Big Sister Ylay”, ang kanyang mga non-profit organization ay ang The Preachers, Pastors and Missionary Kids Society, isang faith-based mental health support group at The Igniting Voice of this Generation,-na naghihikayatsa sa mga kabataan sa buong Pilipinas upang magsalita sa mga mahalagang isyu ng bansa.

Ang kanyang advocacy ay sumunod sa mga yapak ng kanyang lola sa digmaan upang lumikha ng kumpletong pananaw at pang unawa patungkol sa trauma-informed mental health education sa Pilipinas, kabilang ang mga kabataan sa elementarya, sa high schools, kolehiyo at militar sa pamamagitan ng The Mind Warriors Project: KALASAG. Siya ay isang undergraduate Harvard Psychology Student at independiyenteng mananaliksik patungkol sa post-traumatic stress disorder (PTSD), sekswal na abuso, at holistic resilience laban sa trauma. Para sa mga komento, katanungan o kolaborasyon, ang kanyang email ay [email protected].