Calendar
LBJ at Bronny, Big J at Dodot
“WITH the 55th pick in the 2024 NBA Draft, the Los Angeles select Bronny James from the University of Southern California.”
Sa mga salitang ito, muling gumawa ng history ang Los Angeles Lakers sa pinaka-aabangang unang father-son duo na lalaro ng sabay sa isang team sa NBA — LeBron at Bronny James.
Maikukumpara sa isang pinakabagong big-budget, blockbuster movie sa Hollywood ang naging kaganapan na ito, na kung saan unang mapapanood si James, isa sa mga itinuturing na greatest basketball players sa kasaysayan, kasama ang kanyang 19-year-old na anak para sa iisang team, Lakers.
Matapos piliin ng Lakers, inihayag ni Bronny na siya ay “beyond blessed” na mabigyan ng pagkakataon na makalaro sa NBA, kasama ang sikat na ama.
“Congratulations to Bronny James on being drafted by the Los Angeles Lakers. This is a historic moment because LeBron and Bronny are the first father-son duo to play in the NBA at the same time and on the same team. Watching Bronny suit up for the Lakers during Summer League in Vegas will be must-see TV,” pahayag naman ni NBA legend Magic Johnson sa kanyang X account.
Sa mga naunang ulat ng ESPN, masayang tinanggap ng James family ang magandang balita kasama ang ilang close friends sa isang dinner sa New York City, na kung saan nag-offer pa ng toast ng wine si LeBron.
Subalit matapos ang celebration, hindi maikakaila ang matinding pressure na dulot nito hindi lamang sa James family, kundi pati na din sa bagong coach na si J.J. Reddick at buong Lakers organization.
Ano ang maaasahan kay Bronny sa unang taon nito ng paglalaro sa Lakers kasama ang amang si LeBron?
Makatulong kaya siya sa pagtatangka ng Lakers na masungkit ang ika-18 na NBA title at muling pumantay sa mahigpit na karibal na Boston Celtics?
Bilang 6-2 guard shooting guard, na may averages na 4.8 points, 2.8 rebounds at 2.1 assists sa games niya sa USC Trojans, ano ang magiging role niya sa win-now Lakers team?
Mapantayan kaya niya ang mga nagawa ng ama simula pa nung mapiling No.1 pick ng Clevelend Cavaliers nung 2003 at maging four-time champion, four-time MVP at all-time NBA scoring leader?
At tulad ng sinasabi ng madami, ang pagkakataon na maglaro ang mag-amang James sa Lakers sa NBA ay isa na namang pagpapatunay sa sinasabing longevity ni LeBron, na nakatakdang
maglaro sa kanyang ika 22nd season — pito para sa Lakers.
Sinasabing nakuha na ni Lebron ang lahat ng individual records sa NBA dahil na din sa kanyang God-given talent at disiplina at exemplary work ethic mula noon hanggang ngayon.
At ngayon nga, makakalaro pa niya ang kanyang anak para sa Lakers.
Isa na naman itong magandang halimbawa na nais tularan ng madaming players hindi lang sa NBA kundi sa buong basketball world.
Congrats, LBJ and Bronny.
Bago pa man ang James father-son duo sa NBA, una ng naglaro sa PBA ang mag-amang Robert Jaworski at Dodot Jaworski para sa crowd favorite na Ginebra San Miguel mula 1996 hanggang 1998.
Pinili ni Jaworski, na noon ay playing coach ng Ginebra, ang anak na si Dodot, na naglaro para sa Ateneo Eagles, sa second round ng 1995 PBA Draft.
Subalit hindi nagkaroon ang Jaworski father-son duo na sabay na maglaro sa tatlong taon nilang magkasama, na binubuo ng 181 games — 64 games nung 1996, 68 games nung 1997 at 49 games nung 1998.
Bagamat playing coach, pinili ni Big J na hindi maglaro kasabay ang anak na si Dodot dahil na din mas abala siya sa kanyang coaching duties at bihira ng maglaro.
Ayon kay long-time PBA analyst Henry Liao, si Jaworski ay naglaro lamang ng 35 games nung 1996 season, 19 games nung 1997 at zero game nung 1998, na kung saan siya nag-desisyon na tumakbo sa Philippine Senate.
Si Big J, na itinuturing na pinakamatandang player sa edad na 52 bilang bahagi ng Ginebra nung 1998, ay matatandaang huling naglaro nung March 1997 sa isang out-of-town game ng PBA sa Dumaguete City.
Samantala, si Dodot ay nag-retire din sa PBA matapos ang three years upang magsilbing chief of staff ng kanyang ama, na nahalal bilang Senator.
Lebron at Bronny James sa NBA. Big J at Dodot Jaworski sa PBA.
Dalawang magkaiba subalit parehong magandang kwento sa basketball.
NOTES — Happy bithday sa ating mga kaibigang sina Kerwin at Kerwan Mas (June 25), Luisito Espinosa ( June 26), Roel Velasco (June 26), William So (June 26), Rose Siy (June 26), Jose Luis
Ballesca (June 26), Richard Dy (June 27), Apple Barrerto (June 27), Vivian Fajatin (June 27), Irene Celebre (June 28), Rudy Yu (June 29), Hubert Estrella (June 29), Jong Arcano (June 29), Chito
Manuel (June 29), Tiger Ari (June 30), Weng Ocfemia (June 30), Sander Severino (June 30), Peter Baltazar (June 30) at Rowena Zabat (June 30).
Para sa mga kumento at suhestiyon, mag-email sa [email protected]