Calendar
Sec. Frasco napabilib si UN Tourism Sec. Gen. Pololikashvili
BILIB si United Nations World Tourism Organization (UNWTO) Secretary-General Zurab Pololikashvili sa Department of Tourism (DOT) ng Pilipinas.
Itinampok ni DOT Secretary Christina Garcia Frasco ang kasaysayan na hawak ng Cebu.
Binigyang-diin niya na ang Cebu ay naranasan ng mga dayuhan sa pamamagitan ng explorer na si Ferdinand Magellan noong 1521.
“Ako’y natutuwa na ang turismo ng United Nations, sa pamamagitan ng mapagbigay at visionary na pamumuno ng Kalihim-Heneral na si Zurab Pololikashvili, pinarangalan ang ating bansa sa pagkakataong ito.
At ano pa bang mas magandang lugar kung saan gaganapin ito kaysa sa Cebu, kung saan ang pinakaunang mga bakas ng mabuting pakikitungo at kabaitan ng mga Pilipino naranasan ng mga dayuhan sa pamamagitan ng explorer na si Ferdinand Magellan noong 1521,” ani Frasco.