Romero

Pagsasabatas ng RA No. 12001 ikinagalak ni Romero

Mar Rodriguez Jul 2, 2024
80 Views

Romero1𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗟𝗔𝗞 𝗻𝗶 𝟭-𝗣𝗔𝗖𝗠𝗔𝗡 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆 𝗟𝗶𝘀𝘁 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗠𝗶𝗰𝗵𝗮𝗲𝗹 “𝗠𝗶𝗸𝗲𝗲” 𝗟. 𝗥𝗼𝗺𝗲𝗿𝗼, 𝗣𝗵.𝗗., 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝘀𝗮 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝘂𝗸𝗮𝗹𝗮 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘁𝗮𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗥𝗲𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗔𝗰𝘁 𝗡𝗼. 𝟭𝟮𝟬𝟬𝟭 𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗥𝗲𝗮𝗹 𝗣𝗿𝗼𝗽𝗲𝗿𝘁𝘆 𝗩𝗮𝗹𝘂𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗔𝘀𝘀𝗲𝘀𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗥𝗲𝗳𝗼𝗿𝗺 𝗔𝗰𝘁.

Nagpapa-abot siya ng taos pusong pasasalamat si Romero kay House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez dahil sa sinuportang ibinigay nito para maisabatas ang kaniyang panukala bago nag-adjourn ang session ng Kamara de Representantes.

Ipinaliwanag ng kongresista na tamang-tama ang timing ng pagkakapasa ng nasabing panukala sapagkat kinakailangan na talagang magkaroon ng pagbabago sa Real Property Valuation dahil “outdated” na aniya ang sistema ng valuation at assesment para sa mga real property.

Sabi ni Romero, sa pagkakapasa ng nasabing batas, ito ang magbibigay daan upang mas maging moderno ang sistema na makakatulong para sa mas mabilis at epektibong pagtaas ng ari-arian.

Dagdag pa rito aniya ang pagtataguyod ng batas sa paglikha ng isang elektroniko at komprehensibong Real Property Information System na magsisilbing talaan ng lahat ng transaksiyon sa real property sa Registry of Deeds, Bureau of Internal Revenue (BIR) at iba pang ahensiya.