Martin

Pag-apruba ng P6.352T budget para sa 2025 prayoridad ng Kamara — Speaker Romualdez

Mar Rodriguez Jul 3, 2024
128 Views

ANG pag-apruba sa panukalang P6.352 trilyong national budget para sa 2025 ay bibigyang prayoridad umano ng Kamara de Representantes, ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Ginawa ng lider ng Kamara ang pagtitiyak isang araw matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang panukalang P6.325-trilyong budget para sa susunod na taon.

“Aside from our commitment in approving the few remaining LEDAC priority measures (agreed upon during its 5th full council meeting June 25), the House will again work doubly hard to pass the proposed P6.352-trillion 2025 General Appropriations Bill (GAB) before we go on break this end of September 2024,” ani Speaker Romualdez.

“We will then transmit the GAB to the Senate for its consideration,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Speaker Romualdez na titiyakin ng Kamara na magkakaroon ng sapat na pondo ang edukasyon, agrikultura, modernisasyon ng armed forces at programa para sa kapakanan ng mga tauhan nito, imprastraktura, at legacy projects ni Pangulong Marcos.

Kasama rin umano sa paglalaanan ng budget ang mga programa upang bumaba ang presyo ng pagkain at mapabilis ang pag-unlad ng bansa.

“We have to continue building roads, highways, ports, school buildings, climate change-proof structures, and similar infrastructure to maintain and expand economic growth. Progress has to reach the remotest communities,” giit ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.

Ang susunod na sesyon ng 19th Congress ay muling magbubukas sa Hulyo 22, ang kaparehong araw kung kailan idaraos ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa Batasang Pambansa complex sa Quezon City.

Ang Batasan ay itinayo ng administrasyon ng ama ni Pangulong Marcos na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.