Magsino1

Magsino nahirang na Ambassador ng Sunfull Foundation of Korea

Mar Rodriguez Jul 3, 2024
122 Views

š—¦š—”š—£š—”š—šš—žš—”š—§ š—øš—¶š—»š—¶š—øš—¶š—¹š—®š—¹š—® š—»š—“ š—Æš—®š—»š˜€š—®š—»š—“ š—žš—¼š—暝—²š—® š—®š—»š—“ š—ŗš—“š—® š—®š—øš˜š—¶š—Æš—¼š—»š—“ š—½š—®š—“š—øš—¶š—¹š—¼š˜€ š—»š—® š—“š—¶š—»š—®š—“š—®š˜„š—® š—»š—¶ š—¢š—™š—Ŗ š—£š—®š—暝˜š˜† š—Ÿš—¶š˜€š˜ š—–š—¼š—»š—“. š— š—®š—暝—¶š˜€š˜€š—® “š——š—²š—¹ š— š—®š—æ” š—£. š— š—®š—“š˜€š—¶š—»š—¼ š—½š—®š—暝—® š—¶š˜€š˜‚š—¹š—¼š—»š—“ š—®š—»š—“ š—øš—®š—暝—®š—½š—®š˜š—®š—»š—“ š—½š—®š—»š˜š—®š—¼, š—øš—®š—½š—®š—øš—®š—»š—®š—» š—®š˜ š—øš—®š—“š—®š—¹š—¶š—»š—“š—®š—» š—¼ š˜„š—²š—¹š—³š—®š—暝—² š—»š—“ š—ŗš—“š—® š—¢š˜ƒš—²š—暝˜€š—²š—®š˜€ š—™š—¶š—¹š—¶š—½š—¶š—»š—¼ š—Ŗš—¼š—暝—øš—²š—暝˜€ (š—¢š—™š—Ŗš˜€), nš—®š—µš—¶š—暝—®š—»š—“ š—®š—»š—“ š—øš—¼š—»š—“š—暝—²š˜€š—¶š˜€š˜š—® š—Æš—¶š—¹š—®š—»š—“ š—”š—ŗš—Æš—®š˜€š˜€š—®š—±š—¼š—æ š—»š—“ š—¦š˜‚š—»š—³š˜‚š—¹š—¹ š—™š—¼š˜‚š—»š—±š—®š˜š—¶š—¼š—» š—¼š—³ š—žš—¼š—暝—²š—®.

Ayon kay Magsino, isang napakalaking karangalan aniya ang pagtitiwalang ipinagkaloob sa kaniya ng South Korea. Kasunod nito ang pagtatalaga sa kaniya bilang chairperson ng Sunfull Committee sa Kamara de Representantes ng Pilipinas.

Inilahad ni Magsino na nagtungo siya sa South Korea noong nakaraang buwan. Kasunod nito ang pakikipagkita niya sa mga matataas na opisyal ng Sunfull Foundation para pag-usapan ang mga pagsisikap na ginagawa ng OFW Party List at Korea upang sawatain ang nangyayaring cyberbullying, hate speech at human rights violations sa online laban sa mga OFWs.

Sinabi ng kongresista na napakalaking karangalan para sa kaniya ang mmahirang ng Sunfull Foundation. Tiniyak ni Magsino na gagawin niya nang lahat upang malabanan ang masamang epekto o negative effects na naidudulot ng internet.

“It is really an honor for me to be part of this movement and working witj thousands of people, not only in Korea. But in other countries too, to send message of hope and encouragement. This is especially important to victims of cyberbullying, hate speech and negative internet use,” wika ni Magsino.

Ayon pa kay Magsino, ang Sunfull Foundation ay isang non-governmental organization (NGO) na inorganisa sa South Korea na itinatag naman ni Dr. Byoung-Chul Min noong 2007.