Calendar
Marcos ibinunyag aabot 400 unknown tracks namonitor ng PAF
IBINUNYAG ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na aabot sa 400 na unknown tracks ang namomonitor ng Philippine Air Force (PAF) sa Philippine Air Defense Identification Zone.
Sa kanyang talumpati sa ika-77 anibersayo ng PAF sa Pampanga, sinabi ni Pangulong Marcos na bunga ito ng pinalakas na maritime domain awareness.
Hindi naman tinukoy ni Pangulong Marcos kung sino at kung anong mga sasakyang panghimpapawid ang namonitor ng PAF.
“We have increased our maritime domain awareness by regularly conducting maritime patrol missions [and] monitoring over four hundred unknown tracks within the Philippine Air Defense Identification Zone,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Pangako ni Pangulong Marcos na patuloy na palalakasin ang PAF sa pamamagitan ng pagbili ng mga karagdagang gamit at pagpapalakas sa cyber warfare communications systems, pati na ang base development programs.
“We have likewise acquired additional aircraft, as well as advanced radar systems, which have transformed our operational readiness and enhanced our operational reach,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“Indeed, these assets contribute to an agile Air Force—capable of protecting our nation, our people, and our resources; and dedicated to ensure that we are ready to face challenges with advanced precision, speed, and force,” dagdag ng Pangulo.