Calendar
Inilabas na bagong minimum wage ikinagalak nina Chua, Valeriano
๐๐๐๐ก๐๐๐๐๐๐ ๐ป๐ถ๐ป๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐ญ๐๐ ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐๐ผ๐ฒ๐น ๐ฅ. ๐๐ต๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด c๐ต๐ฎ๐ถ๐ฟ๐บ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ผ๐บ๐บ๐ถ๐๐๐ฒ๐ฒ ๐ผ๐ป ๐ ๐ฒ๐๐ฟ๐ผ ๐ ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ฝ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ถ ๐ ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ฅ๐ผ๐น๐ฎ๐ป๐ฑ๐ผ “๐๐ฅ๐ฉ” ๐ . ๐ฉ๐ฎ๐น๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ฎ๐ฝ๐ถ๐๐ฎ๐น ๐ฅ๐ฒ๐ด๐ถ๐ผ๐ป (๐ก๐๐ฅ) ๐ช๐ฎ๐ด๐ฒ ๐๐ผ๐ฎ๐ฟ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐บ๐ถ๐ป๐ถ๐บ๐๐บ ๐๐ฎ๐ด๐ฒ ๐ถ๐ป๐ฐ๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐๐ฒ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ต๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฏ๐ฑ.
Subalit para kina Chua at Valeriano, mas makabubuti sana kung dapat na mas higit sa P35 ang minimum wage increase para sa mga manggagawa sa NCR sa gitna ng napakataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ipinaliwanag ng dalawang kongresista na ang P35 ay tinatayang nasa 5.7% lamang ng dating minimum wage na nagkakahalaga ng P610. Ang inflation naman ay umaabot ng 6% noong 2023.
Gayunman, nagpaabot parin ng taos pusong pasasalamat sina Chua at Valeriano para sa NCR Wage Board sa ilalim ng pamumuno ng Department of Labor and Employment (DOLE) sapagkat ang inilabas nitong bagong minimum wage ay naangkop dahil sa krisis na kinakaharap ng mga manggagawa sa NCR.
“Tayo ay taos pusong nagpapasalamat sa ating NCR Wage Board sa ilalim ng pamumuno ng DOLE NCR lalo na kay Regional Director Sara Buena Mirasol. Dahil ito ay napapanahon, ramdam ng bawat manggagawa sa Metro Manila ang kakapusan dahil sa paghina ng purchasing power ng piso,” ayon kay Valeriano.
Pinasalamatan din ni Valeriano si President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. dahil sa naging direktiba nito kaya agad na kumilos ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board o ang Wage Board sa NCR.