Calendar
POGOs bawal na sa Pinas – – PBBM
BAWAL na ang mga Philippine offshore gaming operator (POGO) sa bansa.
Sa kanyang ikatlong State of the Nation Address, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na epektibo ang ban sa mga POGO simula Lunes, Hulyo 22.
“Effective today (July 22), all POGOs are banned,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Iniutos ni Pangulong Marcos sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na simulan na ang pagpapasara sa operasyon ng mga POGO hanggang sa katapusan ng taong 2024.
“I hereby instruct Pagcor to wind down and cease the operation of POGOs by the end of the year,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Inutusan din ni Pangulong Marcos ang Department of Labor and Employment (DOLE) na makipagugnayan sa economic managers para hanapan ng trabaho ang mga manggagawa na mawawalan ng trabaho dahil sa pagpapasara sa mga POGO.
Naniniwala si Pangulong Marcos na solusyon sa maraming problema ang pagpapasara sa mga POGO.
“At ngayon po, naririnig po namin ang malakas na sigaw ng taumbayan laban sa mga POGO,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“Disguising as legitimate entities, their operations have ventured into illicit areas furthest from gaming such as financial scamming, money laundering, prostitution, human trafficking, kidnapping, brutal torture, even murder,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Ayon kay Pangulong Marcos, panahon na para matigil ang pambabastos sa gobyerno.
“The grave abuse and disrespect to our system of laws must stop,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“To solve all the problems that we have been suffering under, all officials, law enforcers, workers in government, and most of all the citizens must always be vigilant, principled, and think of the health of the nation,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Bago pa man tinapos ni Pangulong Marcos ang kanyang talumpati sa POGO, tinukoy pa nito ang quote ni John Stuart Mill na, “Let not any one pacify his conscience by the delusion that he can do no harm if he takes no part, and forms no opinion. Bad men need nothing more to compass their ends, than that good men should look on and do nothing. He is not a good man.”
Hinikayat pa ni Pangulong Marcos ang publiko na laging labanan ang mali at masama at laging ipaglaban ang tama at mabuti.
Lagi rin sana aniyang mahalin ng mga Pilipino ang Pilipinas.
Umani naman ng malakas na palakpakan at standing ovation ang pasya ni Pangulong Marcos.