Cong Marissa Del Mar

Magsino suportado ang total ban ng pamahalaan vs POGO

Mar Rodriguez Jul 27, 2024
86 Views

Cong Marissa Del Mar๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—จ๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ป๐—ถ ๐—ข๐—™๐—ช ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐˜† ๐—Ÿ๐—ถ๐˜€๐˜ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜€๐—ฎ “๐——๐—ฒ๐—น ๐— ๐—ฎ๐—ฟ” ๐—ฃ. ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ผ๐—ฏ๐˜†๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ผ ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€ ๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ผ๐˜๐—ฎ๐—น ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐˜€๐—ต๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ ๐—š๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐˜€ (๐—ฃ๐—ข๐—š๐—ข) ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€.

Ang ibinigay na reaksiyon ni Magsino ay kasunod ng naging surpresang anunsiyo ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong nakaraang Lunes (July 22) na mula sa araw na iyon ay ipatutupad na ng pamahalaan ang total ban laban sa operasyon ng POGO.

Binigyang diin ni Magsino na nararapat lamang na panindigan ng pamahalaan ang total ban laban sa POGO bunsod ng samu’t-saring usapin na nakakulapol dito kabilang na ang bentahan ng illegal drugs, human trafficking, torture, mga pagpatay at iba pa.

Ayon kay Magsino, noon pa man ay naninindigan na siya laban sa operasyon ng POGO sa Pilipinas matapos itong ipabatid sa kaniyang privilege speech sa Plenaryo ng Kamara de Representantes noong Disyembre 4, 2023 ang mariing pagtutol nito sa POGO na prente o front ng human trafficking at iba pang mga illegal activities.

Wala aniyang kabuluhan ang milyon pisong nakukuha ng gobyerno mula sa operasyon ng POGO kung ang nasasakripisyo naman ang katahimikan ng bansa at ang kaligtasan mismo ng mamamayang Pilipino.

Ikinatuwiran pa nito na hindi aniya matatawaran ang “social costs” na dulot ng iba’t-ibang krimen na kinasasangkutan ng POGO sapagkat wala umanong katapat na halaga o salapi ang kaligtasan at kapakanan ng mamamayang Pilipino.

“Kaya’t suportado natin ang POGO ban. Ito ay mahalaga sa pananatili ng kapayapaan, kaayusan at karangalan ng ating bayan. Ating suportahan ang hakbang na ito ng ating Pangulong Bongbong Marcos upang matiyak ang mas maliwanag, maayos at makatarungang kinabukasan para sa mga Pilipino,” pahayag ni Magsino.
____________