Calendar
Paglulunsad ng malawakang crackdown vs POGO suportado ni Valeriano
๐๐๐๐๐ก๐ ๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฎ๐ฑ๐๐ผ๐ฐ๐ฎ๐๐ฒ๐ ๐ป๐ด “๐ฎ๐ป๐๐ถ-๐ฃ๐ข๐๐ข” ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ ๐ผ ๐บ๐ฎ๐ ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ ๐ข๐ณ๐ณ๐๐ต๐ผ๐ฟ๐ฒ ๐๐ฎ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐ข๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ๐ s๐ถ๐ป๐๐๐๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ ๐ ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ฅ๐ผ๐น๐ฎ๐ป๐ฑ๐ผ “๐๐ฅ๐ฉ” ๐ . ๐ฉ๐ฎ๐น๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐น๐๐น๐๐ป๐๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฐ๐ฟ๐ฎ๐ฐ๐ธ๐ฑ๐ผ๐๐ป ๐ฎ๐ ๐๐๐น๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ต๐ถ๐ป๐๐ผ ๐๐ฎ ๐ผ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐ข๐๐ข.
Ayon ito kay Valeriano, chairperson ng House Committee on Metro Manila Development, kasunod ng naging surpresang anunsiyo ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) kaugnay sa total ban ng POGO sa Pilipinas.
Binigyang diin ni Valeriano na dapat simulan na rin ng pamahalaan ang tuluyang pagbubuwag o paglalansad dito sa pamamagitan ng isang malawakang crackdown.
Ikinatuwiran ni Valeriano na ang binitiwang pahayag ng Pangulo sa kaniyang SONA ang hudyat para kumilos na ang mga awtoridad para simulan ang isang malawakang paglansag sa operasyon ng POGO na naglipana sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas.
Sabi ng kongresista na kinakailangang maipakita at maiparamdam ng gobyerno ang kamay na bakal laban sa mga Chinese nationals na nagdala ng POGO sa bansa. Sapagkat pagpapakita lamang ito na hindi sumasang-ayon ang mga Pilipino na lantaran at harap-harapang nilalapastangan ng mga Intsik ang batas ng Pilipinas.
Dahil dito, muling iginiit ni Valeriano na kailangan talagang manindigan ng Pilipinas laban sa POGO bunsod ng samu’t-saring kriminalidad na idinudulot nito kabilang na ang kidnapping, human trafficking, bentahan ng illegal na droga, pagpatay o murder at torture.
Dagdag pa ng Manila solon, isang “marching order” ang ibinigay ng Pangulong Marcos, Jr. laban sa POGO sa kaniyang SONAmkung kaya’t hindi na dapat magpatumpik-tumpik pa si Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Chief Gilbert Cruz at simulan na ang paglansag sa POGO.
Ayon pa kay Valeriano, kabilang din sa mga ahensiyang inaasahan nitong mangunguna sa paglulunsad ng total crackdown ay ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Justice (DOJ), Bureau of Immigration (BI), Anti-Money Laundering Council (AMLAC) at Department of Labor and Employment (DOLE).
Binigyang diin pa ni Valeriano na hindi sapat ang paglalansag at pagpapalayas lamang sa operasyon ng POGO sa Pilipinas. Kundi ang pagsasampa ng kaso at maparusahan ang mga Chinese nationals na lumabag sa batas ng Pilipinas na nasangkot sa iba’t-ibang uri ng krimen.