Calendar
Sen. Risa: Pag-aari ng POGO dapat kumpiskahin ng gobyerno
DAPAT kumpiskahin ng gobyerno ang mga pag-aari at iba’t-ibang asset ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) upang magamit sa kapaki-pakinabang na pamamaraan.
Ito ang rekomendasyon ni Sen Risa Hontiveros sa pagpuri sa pag apruba ng Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA) Law.
“POGO man o IGL, itong buong industriya ng offshore gaming ginagamit sa sangkatukak na krimen–scamming, prostitution, human trafficking, torture, kidnapping at marami pang iba.
I am pleased that my amendment granting the government authority to take POGO assets and properties was included in this measure,” ani Hontiveros.
“Ngayon at inanunsyo na ang pag-ban sa mga POGO o mga IGL, maraming mga ari-arian na pwedeng magamit para ibigay sa mga biktima ng mga krimeng dala ng POGO sa bansa,” giit ng senadora.
Ang nasabing pag amyenda sa AFASA law na magbibigay karapatan sa Department of Justice “ na kumpiskahin ang mga naturang pag aari maliwanag aniyang magagamit ng ating gobyerno sa iba’t-ibang operational support para mabigyan ng proteksyon at suporta ang mga naging biktima ng POGO lalo’t ang mga sa kanilang mga nabiktima sa ilalim ng human trafficking na isa sa mga ipinagbabawal sa ilaim ng AFASA law.
“The AFASA Law and the POGO/IGL ban are both welcome developments that need to work in tandem.
Walang katumbas ang hirap at pagdurusa ng mga taong nabiktima ng mga POGO, but I hope that through this law, the government can make amends by giving their much-deserved reparations,” ani Hontiveros.