Gatchalian

Mga senador kaisa ni PBBM na POGO dapat tuldukan

67 Views

TINIYAK ng mga senador na tama ang pasiya na sundin ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-ban ng todo ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ayon pa kay Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, hindi dapat suwayin ang kautusan ng punong ehekutibo na dapat na bigyan tuldok ang operasyon ng mga POGO.

Para sa Senate Minority Leader, maliwanag ang mga pangamba ng Pangulo kung bakit napag desisyunan niyang i-total ban na ang POGO dahil sa mga negatibong epekto nito sa bansa.

Para kay Sen. Sherwin Gatchalian, naniniwala siyang sinsero ang Pangulong Marcos sa panawagan niya laban sa mga POGO.

“The President’s message is clear. There should be no exception to this particular rule of a POGO ban considering the many detriments the industry has caused our society,” ani Gatchalian.