DOT

Pagbubukas ng TRA sa balwarte ni PBBM ikinagalak ng House Committee on Tourism

Mar Rodriguez Jul 30, 2024
81 Views

DOT1DOT2Madrona𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 c𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺, 𝗶𝗸𝗶𝗻𝗮𝗴𝗮𝗹𝗮𝗸 𝗻𝗶 𝗥𝗼𝗺𝗯𝗹𝗼𝗻 𝗟𝗼𝗻𝗲 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗘𝗹𝗲𝗮𝗻𝗱𝗿𝗼 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 “𝗕𝘂𝗱𝗼𝘆” 𝗙. 𝗠𝗮𝗱𝗿𝗼𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝘂𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗥𝗲𝘀𝘁 𝗔𝗿𝗲𝗮 (𝗧𝗥𝗔) 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝗹𝘄𝗮𝗿𝘁𝗲 𝗻𝗶 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗙𝗲𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗱 “𝗕𝗼𝗻𝗴𝗯𝗼𝗻𝗴” 𝗥. 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗼𝘀, 𝗝𝗿. 𝘀𝗮 𝗜𝗹𝗼𝗰𝗼𝘀 𝗡𝗼𝗿𝘁𝗲 𝗻𝗮 𝗶𝗻𝗮𝗮𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗹𝗼 𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘀𝗶𝗴𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝘁𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺𝗼 𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘀𝗮𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻.

Ayon kay Madrona, isang malaking kagalakan ang unti-unting paglaganap ng mga TRA sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas sapagkat mangangahulugan lamang ito ng pagbisita ng napakaraming turista lokal man o dayuhan sa mga lalawigang may TRA.

Ipinaliwanag ni Madrona na sa pamamagitan ng mga ipinatayong TRA mas maraming turista ang mahihikayat na bumisita sa iba’t-ibang lalawigan bunsod na rin ng kombinyente na naibibigay ng mga TRA.

Pinapurihan ng kongresista ang napakagandang konsepto na pinasimulan ni Department of Tourism (DOT) Sec. Maria Christina Garcia Frasco dahil hindi lamang hinihikayat ng mga TRA ang mga lokal at dayuhang turista. Bagkos, ginagawa pa nitong komportable ang paglalakbay ng mga turista sa iba’t-ibang lugar Pilipinas.

Bukod dito, sinabi din ni Madrona na ipinapakita din ng mga ipinatayong TRA ang pagmamahal ng bansa para sa mga turista na inilalarawan sa slogan ng Tourism Department na “Love the Philippines” sapagkat hindi naman ito aniya simpleng pagmamahal sa Pilipinas kundi pagmamahal sa mga turistang bumibisita sa Pilipinas.