Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Angara

Pagkumpira kay Angara bilang kalihim ng DepEd nasa CA na

Chona Yu Jul 30, 2024
308 Views

ISINUMITE na ng Palasyo ng Malakanyang sa Commission on Appointments ang appointment ni Sonny Angara bilang kalihim ng Department of Education.

Ito ay para makumpirma na si Angara bilang bagong pinuno ng DepEd.

Ang CA ang nagpapasya kung aaprubahan o ibabasura ang appointment ni Angara.

Una nang itinalaga ni Pangulong Marcos si Angara bilang kalihim ng DepEd kapalit ng nagbitiw na si Vice President Sara Duterte.

Utos ni Pangulong Marcos kay Angara, palakasin at ayusin ang sistema ng edukasyon sa bansa.

Nangako naman si Angara na gagampanan ng maayos ang bagong tungkulin.

Pangako ni Angara, pangangalagaan ang kapakanan ng mga guro at mga estudyante.