Romero

PAGCOR dapat sundin ang utos ni PBBM sa total ban ng POGO — Romero

Mar Rodriguez Jul 30, 2024
101 Views

SINABI 𝗻𝗶 𝟭-𝗣𝗔𝗖𝗠𝗔𝗡 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆 𝗟𝗶𝘀𝘁 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗠𝗶𝗰𝗵𝗮𝗲𝗹 “𝗠𝗶𝗸𝗲𝗲” 𝗟. 𝗥𝗼𝗺𝗲𝗿𝗼, 𝗣𝗵.𝗗., na dapat sundin ng 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗔𝗺𝘂𝘀𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗚𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗿𝗽𝗼𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗣𝗔𝗚𝗖𝗢𝗥) 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝘂𝘁𝗼𝘀 𝗻𝗶 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗙𝗲𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗱 “𝗕𝗼𝗻𝗴𝗯𝗼𝗻𝗴” 𝗥. 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗼𝘀, 𝗝𝗿. 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗻𝗴𝗸𝗼𝗹 𝘀𝗮 “𝘁𝗼𝘁𝗮𝗹 𝗯𝗮𝗻” 𝗻𝗴 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗢𝗳𝗳𝘀𝗵𝗼𝗿𝗲 𝗚𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿𝘀 (𝗣𝗢𝗚𝗢) 𝗻𝗮 𝗶𝗻𝗶𝗵𝗮𝘆𝗮𝗴 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗸𝗮𝘁𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗲 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗔𝗱𝗱𝗿𝗲𝘀𝘀 (𝗦𝗢𝗡𝗔).

Ayon kay Romero, chairperson ng House Committee on Poverty Alleviation, hindi nito dapat panghinayangan ang malaking ganansiya na ipinapasok ng POGO sa kaban ng pamahalaan dahil ang mahalaga ay ang seguridad at katahimikan ng bansa.

Ipinaliwanag pa ni Romero na mismong nanggaling na kay Pangulong Marcos, Jr. ang utos para sa total ban ng POGO.

Binigyang diin ng kongresista na matagal na umanong namamayagpag ang POGO operations sa bansa kaya panahon na aniya para tuldukan at pahintuin ang malawak na operasyon nito na naghahatid ng iba’t-ibang uri ng kriminalidad.

Sabi pa ni Romero, ang kailangang isa-alang-alang ng naturang ahensiya ay ang interes at kapakanan ng mga Pilipino at ng bansa bunsod ng negatibong epekto na idinudulot nito dahil sa mga kriminalidad na nakapaloob dito.

Kasabay nito, pinapurihan din ni Romero si Pangulong Marcos, Jr. dahil sa naging paninindigan nito patungkol sa issue ng West Philippine Sea (WPS).