Madrona2

Konstruksiyon ng PH Pavillon sa Osaka malaking promosyon para sa turismo ng Pinas

Mar Rodriguez Aug 2, 2024
94 Views

Madrona𝗧𝗜𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗮𝘁 𝗼𝗽𝘁𝗶𝗺𝗶𝘀𝘁𝗶𝗸𝗼 𝗮𝗻𝗴 c𝗵𝗮𝗶𝗿𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗥𝗼𝗺𝗯𝗹𝗼𝗻 𝗟𝗼𝗻𝗲 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗘𝗹𝗲𝗮𝗻𝗱𝗿𝗼 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 “𝗕𝘂𝗱𝗼𝘆” 𝗙. 𝗠𝗮𝗱𝗿𝗼𝗻𝗮 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝗺𝗼𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝘁𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗽𝗶𝗽𝗶𝗻𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗸𝗼𝗻𝘀𝘁𝗿𝘂𝗸𝘀𝗶𝘆𝗼𝗻 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 𝗣𝗮𝘃𝗶𝗹𝗹𝗶𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗢𝘀𝗮𝗸𝗮, 𝗞𝗮𝗻𝘀𝗮𝗶, 𝗝𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗵𝗮𝗵𝗮𝗻𝗱𝗮 𝘀𝗮 𝗱𝗮𝗿𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝗪𝗼𝗿𝗹𝗱 𝗘𝘅𝗽𝗼 𝗻𝗮 𝗴𝗮𝗴𝗮𝗻𝗮𝗽𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝗻𝗮𝘀𝗮𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮.

Ayon kay Madrona, maituturing na isang napakahalagang pangayari para sa turismo ng Japan at Pilipinas ang magaganap na 2025 World Expo sa susunod na taon dahil dito maipapamalas ang nakapagandang kultura ng dalawang bansa.

Paliwanag pa ni Madrona, isang malaking karangalan aniya para sa ating mga Pilipino ang makalahok sa World Expo sa Osaka, Japan sa susunod na taon sapagkat muling maipapakita ng mga Pilipino ang makasaysayan at nakapagandang kultura ng Pilipinas sa harap ng international community.

Naniniwala naman ang kongresista na malaki ang magagawang tulong ng 2025 World Expo para mas lalo pang umangat ang turismo ng Pilipinas dahil ang nasabing event ay promotion narin ng Philippine tourism.