Valeriano

Imbestigasyon ng quad committee tungkol sa POGO may mabahong amoy na makakalkal — Valeriano

Mar Rodriguez Aug 9, 2024
70 Views

๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฎ๐—ฑ๐˜ƒ๐—ผ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—น๐—น๐—ฒ๐—ด๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ, k๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐Ÿฎ๐—ป๐—ฑ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜. ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐—ฅ๐—ผ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ “๐—–๐—ฅ๐—ฉ” ๐— . ๐—ฉ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ผ๐—ป๐—ด “๐—พ๐˜‚๐—ฎ๐—ฑ ๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ฒ” ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฒ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฒ๐˜€ ๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ผ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ฎ ๐—ผ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐˜€๐—ต๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ ๐—š๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐˜€ (๐—ฃ๐—ข๐—š๐—ข).

Ayon kay Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, masyado umanong napakalawak at makapangyarihan ang POGO operation sa bansa. Kaya inaasahan na magiging malalim at nakabuluhan ang gagawing imbestigasyon ng quad committee hinggil dito na nakatakda sa susunod na linggo (Agosto 15).

Paliwanag pa ni Valeriano na sa pag-usad ng ikakasang pagsisiyasat ng quad committee, inaasahan na may mga hindi kanais-nais na mahahalukay katulad ng posibleng pagkakasangkot ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan sa POGO sa pamamagitan ng pagsisilbing “padrino” nito o ang pagbibigay nila ng proteksiyon sa mga Chinese nationals na nagpasimula at nagpalaganap ng POGO sa iba’t-ibang lugar dito sa Pilipinas.

Pagdidiin ni Valeriano, hindi aniya lingid sa ating kaalaman na sa pamamagitan ng “drug money” ng mga Chinese nationals ay may mga tiwaling opisyal ng gobyerno ang nasuhulan o naambunan ng malaking halaga ng pera upang makakuha ng mga pekeng dokumento ang mga nasabing Intsik na nagpapanggap na mga Pilipino.

Sabi pa ng kongresista, masyadong malalim at masalimuot ang kasong iimbestigahan ng Kamara de Representantes dahil may mga Chinese nationals ang nakabili na ng mga ari-arian o lupain at nakapagpatayo na ng mga lehitimong negosyo dito sa Pilipinas gaya ng POGO para lamang pagtakpan ang kanilang illegal activities.

“Sa gagawing imbestigasyon ng Kamara tungkol sa isyung ito. Asahan natin na may mga mabubungkal at may mabahong amoy ang kanilang mahahalukay gaya sa isang tambak ng basura.

Sapagkat masyadong malawak at malalim ang operasyon ng POGO dito sa Pilipinas,” paliwanag ni Valeriano.

Ayon naman sa chairman ng House Committee on Dangerous Drugs na si Surigao del Norte 2nd Dist. Cong. Robert Ace S. Barbers, makasaysayan ang binuong Komite sapagkat ngayon lamang nagkaroon ng apat na Komiteng pinagsama-sama sa pagsasagawa ng imbestigasyon.