Sara

LakwatSARA Duterte binira sa maling patutsada kay PBBM

Mar Rodriguez Aug 11, 2024
114 Views

LOOK who’s talking.

Ito ang kabuuan ng reaksyon ng dalawang miyembro ng Kamara de Representantes na bumatikos kay Vice President Sara Duterte dahil sa paninisi nito sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. kung bakit binabaha ang Davao City.

Ipinaalala rin nina Zambales Rep. Jefferson Khonghun at La Union Rep. Francisco Paolo Ortega na si VP Duterte ay nagbabakasyon sa Germany kasama ang kanyang pamilya habang naghihirap ang maraming Pilipino bunsod ng pananalasa ng super typhoon Carina na nagpalakas sa Hanging Habagat.

“Sino ba ang tinatawag ng mga netizens na #lakwatsara sa gitna ng malakas na ulan noong Carina? Hindi ba height ng irresponsibility yun, Ikaw ang second-highest official of the land tapos maglalakwatsa ka sa kasagsagan ng ulan at bagyo? Tapos wala ka na nga sa bansa hanggang ngayon, panay pa ang reklamo mo,” ani Khonghun.

“Mapapa-look who’s talking na lang talaga ang mga taong makakarinig ng criticisms ni VP sa ating Presidente. Nasaan ka noong kailangan ka ng mga mamamayan? Marked safe from Carina kasi nasa Germany? Sana all talaga,” dagdag pa nito.

Ipinunto ni Khonghun na anim na taong nanungkulan si dating Pangulong Rodrigo Duterte upang tapusin ang flood control program ng bansa, kasama na ang Davao City, subalit hindi niya ito nagawa.

Sinabi ng mambabatas na ang kapatid ni VP Duterte na si Davao City Rep. Pulong Duterte ay nakakuha ng P51 bilyong pondo para sa imprastraktura sa loob lamang ng tatlong taon.

“Hindi ba ito nagamit sa flood control programs? Saan na nga ba napunta itong P51 billion na ito? Sa laki ng alokasyon na ito, kahit isa hindi nagamit sa flood control? Former President Duterte also had six years to accomplish this, pero we don’t hear the VP saying anything about her father’s failure,” tanong ng mambabatas mula sa Zambales.

Ayon kay Ortega hindi maganda ang ginagawang paninisi ni VP Duterte lalo at katatapos lang ng kalamidad.

“It is perplexing to hear such criticisms from the VP, particularly during a time when the nation was grappling with the adverse impacts of Typhoon Carina and the southwest monsoon. While these natural calamities were unfolding, VP Duterte was reported to be in Germany,” ani Ortega.

Kuwestyunable rin para kay Ortega ang timing ng paglalabas ni VP Duterte ng mga kritisismo na hindi rin naman perpekto ang naging pamumuno.

“Para po kasing hindi bagay na manggaling sa kanya ang kritisismo kasi siya rin ay kinakikitaan ng pagkukulang. I believe it is unfair to President Marcos na nakita naman nating on top of the situation during the height of Carina,” sabi ni Ortega.

Binanggit din Ortega ang pagbaha sa Davao City noong Hunyo habang si Davao City Mayor Baste Duterte, at dating Pangulong Duterte ay nasa Tacloban City para mamulitika.

“This fact further complicates the VP’s position, suggesting a pattern of absence during critical times that necessitated leadership and prompt response,” sabi nito.

Ipinaalala rin ni Ortega na ilang dekada ng mamumuno sa Davao City ang mga Duterte at ang kanilang sagot sa pagbaha sa kanilang siyudad ay isisi ito sa iba.

“Given this background, the VP’s recent criticisms appear to be not only misplaced but also reflective of a broader inconsistency in her political and administrative career,” sabi ni Ortega.

“Critiquing the current administration’s efforts in flood management without acknowledging her administration’s shortcomings does not contribute constructively to the ongoing efforts to address these challenges,” wika pa nito.