Dy

Dy nadismaya sa budget cut sa pondo ng DA para sa 2025

Mar Rodriguez Aug 13, 2024
83 Views

Dy1Dy2𝗡𝗔𝗞𝗜𝗞𝗜𝗦𝗜𝗠𝗣𝗔𝗧𝗜𝗬𝗔 𝘀𝗶 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗗𝗲𝗽𝘂𝘁𝘆 𝗠𝗮𝗷𝗼𝗿𝗶𝘁𝘆 𝗟𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿 𝗮𝘁 𝗜𝘀𝗮𝗯𝗲𝗹𝗮 𝟲𝘁𝗵 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗙𝗮𝘂𝘀𝘁𝗶𝗻𝗼 “𝗜𝗻𝗻𝗼” 𝗔. 𝗗𝘆 𝗩 𝘀𝗮 𝘀𝗲𝗻𝘁𝗶𝗺𝘆𝗲𝗻𝘁𝗼 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗽𝘄𝗮 𝗸𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮 sa 𝗽𝗮𝗴𝘁𝗮𝗽𝗶𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗕𝘂𝗱𝗴𝗲𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗗𝗕𝗠) 𝘀𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝗽𝗿𝗼𝗽𝗼𝘀𝗲𝗱 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗯𝘂𝗱𝗴𝗲𝘁 𝗻𝗴 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲 (𝗗𝗔).

Ipinahayag ni Dy ang kaniyang pagkadismaya sa kaniyang interpellation sa budget hearing ng Agriculture Department na isinagawa ng House Committee on Appropriations matapos matapyasan ng 50% ang hinihinging budget ng nasabing ahensiya na nagkakahalaga ng P513 million. Ang inaprubahan ng DBM ay P211 million.

Sinabi ni Dy na sinusuportahan nito ang panawagan ng kaniyang mga kasamahang kongresista na madagdagan ang pondo ng DA para sa susunod na taon sapagkat maganda ang mga programang isinusulong ng ahensiya patungkol sa larangan ng agrikultura.

“Which is why I share the same sentiment as many of my colleagues since this morning knowing that the national expenditure program for this year for the DA is lower o yung budget allocation para sa inyo eh’ mas mababa kumapara sa taong 2024. Kaya naman I join many of my colleagues in supporting the increase of the budget of DA,” ayon kay Dy.

Pagdidiin ng kongresista mula sa Isabela, hindi dapat mahinto ang mga magagandang programa na ipinapatupad ng DA para lamang mapagsilbihan ang kapakanan at interes ng mga magsasaka.

Ikinalungkot din ni Dy ang pagbawas sa budget ng “corn program” na bagama’t maliit lamang ay malaki parin ang magiging epekto nito lalo na sa kanilang lalawigan na ang pangunahing produkto ay mais.

Optimistiko si Dy na magkakaroon ng pagbabago sa budget ng corn program para maitaas ang nasabing pondo at mas mapabuti pa ang programa tungkol sa pagpapaunlad sa produksiyon ng mais.

“I just want to add that I am saddened because although maliit lang yung decrease on the corn program siyempre galing po ako sa lalawigan ng Isabela. Ito po ang pangunahing produkto, we produced the most corn in the country. I was saddened that there was decrease in the budget. I hope we can amend that, we can increase it,” sabi pa ni Dy.