Martin1 Nakipagpulong si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kina PSCO General Manager Melquiades Robles at Philippine Medical Association (PMA) President Dr. Hector Santos Jr., nitong Miyerkoles sa tulong Deputy Majority Leader for Communications at ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo. Kasama rin sa pulong sina House Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr., House Committee on Appropriations Chairman at Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co, House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, at ACT-CIS Edvic Yap. Kuha ni VER NOVENO

Speaker Romualdez: Libreng health care para sa lahat ng Pinoy halos abot kaya na

75 Views

HALOS abot kamay na ang pangarap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maging libre ang pagpapa-ospital ng mga Pilipino, ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Ginawa ni Speaker Romualdez ang pahayag matapos ang pakikipagpulong nito kina PSCO General Manager Melquiades Robles at Philippine Medical Association (PMA) President Dr. Hector Santos Jr., nitong Miyerkoles sa tulong Deputy Majority Leader for Communications at ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo.

Kasama rin sa pulong sina House Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr., House Committee on Appropriations Chairman at Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co, House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, at ACT-CIS Edvic Yap.

“Nagpapasalamat tayo dito sa ating GM ng PCSO at sinagot niya po ang hinaing ng ating health care professionals lalo na dito sa isyu ng professional fees,” sabi ni Speaker Romualdez, lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.

Sabi ni Robles kay Speaker Romualdez na target nilang matapos sa katapusan ng Oktubre ngayong taon ang pamamaraan para sa pagpapatupad ng pagsasama ng professional fee.

“All medical practitioners will (then) be covered by the government under the auspices of the PCSO so that health care will be totally free,” ani Speaker Romualdez.

“Libre ang health care para sa lahat ng Pilipino, yun po ang ating nais, at yun po ang sinabi ng ating Presidente Ferdinand R. Marcos, Jr.,” wika pa nito.

Sinabi ni Robles na mayroong iba’t ibang tulong medikal na ang maaaring makuha ng mga mahihirap na Pilipinong may sakit, kasama dito ang mula sa PhilHealth at Department of Social Welfare and Development (DSWD) o kaya naman ang programang Financially Incapacitated Patients (MAIFIP).

Sa kabila nito, sinabi ni Robles na marami pa ring pasyente ang nahihirapan na mabayaran ang professional fee ng mga doktor at dito umano makatutulong ang bagong programa ng PCSO.

Ipinangako naman ni Speaker Romualdez na ipagpapatuloy ang pagsulong ng mga programa upang mas maging maayos ang health care system ng bansa.

“We will also continue to look at other ways and means to make health care more accessible and universally acceptable and free to all the Filipino people,” aniya.