Pitmaster

Pitmaster Foundation nagbigay ng 17 ambulansiya sa MM-LGUs

259 Views

NAGBIGAY ang Pitmaster Foundation, isa sa pinakamalaking charity institutions sa bansa ng mga ambulansiya sa lahat ng 17 local government units (LGUs) sa National Capital Region (NCR).

Ang mga naturang ambulansiya ay pormal na ipapamahagi ng Foundation sa mga NCR LGUs, katuwang ang Metro Manila Development Authority (MMDA), Department of Health (DOH) at Department of Interior and Local Government (DILG), bilang ikatlong bahagi ng kanilang commitment sa mga Metro Manila Mayors.

Ayon kay Pitmaster Executive Director Atty. Caroline Cruz, utos sa kanila ng kanilang Chairman na si Charlie “Atong” Ang, na lahat ng 17 LGUs sa NCR ay pagkalooban ng emergency vehicles bilang ikatlong bahagi ng kanilang pangako na pagtulong sa mamamayan.

“The first part was the P50 million for rapid antigen tests and P50 million in financial assistance to Metro Manila LGUs for mass testing, followed by P20 million in homecare kits,” ani Atty. Cruz.

Sinabi ni Atty.Cruz, nakapamahagi na ang Pitmaster ng kabuuang 160 units ng ambulansiya sa iba’t ibang LGUs at medical centers sa buong bansa, kabilang ang tig-isa sa 81 lalawigan sa Pilipinas.

“This is part of our commitment to work with LGUs and the National Government to address the gaps in the country’s healthcare sector. This is our contribution to Universal Health Care,” dagdag ni Atty. Cruz.

Sinabi naman ni Ang na, “The lack of nearby hospitals, and the rigidities of our healthcare system, was shown during the pandemic. The availability of a complete and fully-equipped ambulance will bridge the difference between life and death for thousands of our kabayayans. Our commitment is to save lives and promote dignified and adequate health care.

“My instruction is to give and give, continue what is good for the Filipino people, as I want to give back what I have earned from all my businesses,” aniya pa.

Nabatid na ang Pitmaster Foundation ay nakapagkaloob na ng halos P1 bilyong iba’t ibang uri ng emergency at medical relief at support.

Mahigit sa 50,000 pasyente na rin ang nakinabang mula sa kanilang ibinibigay na dialysis assistance.

Aktibo rin ang Pitmaster sa ongoing health programs ng pamahalaan, bukod pa sa massive relief efforts nito sa panahon ng emergencies at disasters, at nasa forefront rin sa pagtulong sa pamahalaan at mga LGUs sa paglaban sa COVID-19.

Ilan sa COVID-19 interventions ng Foundation ay ang pagkakaloob ng 10 milyon facemasks, pagbili ng 11,000 COVID-19 vaccine doses at pagkakaloob ng P20 milyong ayuda sa mga COVID-19 hospitals