Kadiwa

DA bubuksan prangkisa ng Kadiwa sa coop, pribadong sektor

Chona Yu Aug 15, 2024
62 Views

PARA mapalakas pa ang Kadiwa stores ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bubuksan ng Department of Agriculture ang prangkisa nito sa pribadong sektor o mga kooperatiba.

Sa Malacañang Insider program, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laurel Jr. na target ng kanilang hanay na paramihin pa ang Kadiwa stores.

Sa ngayon, nasa 230 na Kadiwa stores ang bukas sa ibat ibang bahagi ng bansa kung saan 17 sa mga ito ang mayroong regular na operasyon.

Ayon kay Laurel, gagawiun na ring standard ang operating hours ng mga Kadiwa stores.

“Kapag na-establish na naman iyong smooth logistics flow ng goods at saka iyong takbo ng transaksiyon ay i-eexpand na natin iyan in the next four years up to ang target ko is 800 to 1,000 stores,” pahayag ni Laurel.

“Of course, hindi ganoon kadali iyon but we will also do Kadiwa franchising . We will allow private sector operators or cooperatives to use the Kadiwa name in selected sites as long as they abide by the rules and guidelines or policies of DA. At ang importante, nandiyan iyong mga Kadiwa at magbenta sa tamang halaga,” dagdag ni Laurel.