Calendar
Romero suportado pantay na cash incentives sa national athletes
๐๐๐๐๐ก๐ ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด “๐๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐๐บ๐ฎ๐ป”, si๐ป๐๐๐๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ ๐ญ-๐ฃ๐๐๐ ๐๐ก ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐ ๐๐ถ๐๐ ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ ๐ถ๐ฐ๐ต๐ฎ๐ฒ๐น “๐ ๐ถ๐ธ๐ฒ๐ฒ” ๐. ๐ฅ๐ผ๐บ๐ฒ๐ฟ๐ผ, ๐ฃ๐ต.๐., ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐ป๐ถ๐ต๐ฎ๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ด๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฐ๐ฎ๐๐ต ๐ถ๐ป๐ฐ๐ฒ๐ป๐๐ถ๐๐ฒ๐ ๐ป๐ฎ ๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐น๐ผ๐ผ๐ฏ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐น๐ฒ๐๐ฎ ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ถ๐ป๐ด ๐ธ๐ผ๐ป๐๐ฟ๐ถ๐ฏ๐๐๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ.
Sabi ni Romero, chairperson ng House Committee on Poverty Alleviation, pinatunayan ng mga atletang Pinoy na lumahok sa 2024 Summer Olympics na ginanap sa Paris, France na kaya nilang makipagsabayan sa kapwa nila atleta o manlalaro gaano man kahirap ang kompetisyon.
Ipinaliwanag pa ni Romero na muling ipinamalas ng mga pambansang atleta sa pangunguna ng two-time gold medalist na si Carlos Yulo na hindi basta-basta sumusuko ang mga Pilipino sa anumang laban sa harap ng napakahirap na sitwasyon gaya ng pinagdaanan nina Yulo.
Dahil dito, bilang isang “sports enthusiast” kinakatigan ng kongresista ang isinulong na panukalang batas para gawing pantay ang ibinibigay na cash incentives sa mga pambansang atleta kabilang na ang mga atletang may kapansanan na nakapag-uwi ng medalya mula sa isang international sports competition.
Sinasang-ayunan din ni Romero ang konsepto ng panukalang batas ni Sen. Jinggoy Estrada ito ay ang pantay-pantay na pagtingin para sa lahat ng Pilipinong manlalaro upang kilalanin ang kanilang napakalaking ambag para sa karangalan ng Pilipinas.
Ayon kay Romero, kung tutuusin ay napakaliit na halaga lamang ang cash incentives na ipagkakaloob sa atletang Pinoy kumpara sa napakalaking sakripisyo na ginawa nila para sa bansa.
Inihayag din ni Romero kumilos na rin ang Kamara de Representantes sa pangunguna ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez para lalo pang palakasin ang sistema ng pagbibigay ng suporta para sa mga atletang Pilipino.
Sabi pa ni Romero, kasalukuyang nirerepaso na ang Republic Act No. 10699 upang malaman ang mga nararapat na pagbabago. Kung saan, kasama na dito ang pagpapabuti sa mga umiiral na batas upang mapabuti ang kalagayan ng Philippine sports community.
To God be the Glory