Revilla POSE MUNA–Si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. kasama sina Jaen mayor Sylvia Austria, Vice Mayor Sylvester Austria, miyembro ng konseho at ng mga AICS beneficiaries sa gymnasium noong Biyernes.

2,500 benepisyaryo ng AICS sa Ecija nakatanggap ng ayuda

Steve A. Gosuico Aug 18, 2024
31 Views

JAEN, Nueva Ecija–Bumisita si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. sa bayang ito para “magparamdam” at sumali sa pamamahagi ng tig-P2,000 sa 2,500 benepisyaryo ng Department of Social Welfare and Development Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) noong Biyernes.

Ayon kina Mayor Sylvia Austria at Vice Mayor Silvestre Austria, 75 porsyento na ang natapos sa infrastructure project ang senador na nagkakahalaga ng P25 million sa isang flood-prone area ng Brgy. San Roque.

“Natutuwa kami at nagpapasalamat at hindi nakakalimot sa ating mahal na senador. Nagpapasalamat po kami sa lahat ng ayuda suporta at tulong na ibinibigay ninyo sa bayan ng Jaen,” ani Mayor Austria.

Humingi rin ng tulong ang alkalde sa senador para sa rehab ng isang malayong farm-to-market-road mula sa bayang ito patungo sa Zaragosa.

“Yun pong farm-to-market road na sibak-sibak na po at butas-butas na, nahihirapan po ang mga magsasaka na magdeliver papunta sa pamilihang bayan, sana po matulungan nyo kami mahal na senador at umasa po kayo sa buong bayan ng Jaen ay buo ang suporta sa inyong kandidatura at gagawin po namin kayong number one dito sa bayan ng Jaen,” ani Mayor Austria.