MCGI Mahigit 500 indibidwal ang nakibahagi sa nasabing programa. Larawan kuha mula sa FACEBOOK

Mga residente ng Tanay bgy nakinabang sa medical mission

39 Views

NAKIISA si PCol. Felipe B. Maraggun, Provincial Director katuwang si PLTCol. Norman A. Cas-Oy, Chief of Police ng Tanay MPS sa isinagawang medical mission ng Members Church of God International (MCGI) sa Brgy. Sto. Niño, Tanay, Rizal.

Inihandog ng MCGI sa mga residente ng nasabing barangay ang libreng gupit, libreng gamot, dental services, libreng konsultasyon, mga medical equipment at mga grocery packs.

“Tayo ay nagpapasalamat sa MCGI at UNTV News and Rescue dahil sila na mismo ang nagdala ng ganitong klase ng serbisyo publiko para sa mga residente ng Brgy. Sto. Niño,” ani PD Maraggun.