Mandanas

Gov. Dodo nakiisa sa business meeting ng LRDC

29 Views

AKTIBONG nakiisa si Governor Hermilando Mandanas, bilang chairperson ng CALABARZON Regional Development Committee, sa isinagawang 1st Regular Business Meeting ng Luzon Regional Development Committee (LRDC) noong Martes, ika-20 ng Agosto 2024, sa Soto Grande Hotel, Katipunan, Quezon City.

Ilan sa mga paksang tinalakay sa pagpupulong ang usapin patungkol sa mga updates ng Luzon Spatial Development Framework (LSDF), National Validation ng updated land area ng mga LGUs bilang batayan ng DBM sa computation ng National Tax Allotment, at ang naging presentasyon ng Accomplishment Report ng Luzon RDComm noong taong 2023.

Nakasama ng gobernador sa naturang pagpupulong sina RDC MIMAROPA Co-Chair Governor Jose Riano, RDC Bicol Chair Governor Ricarte Padilla, NEDA Regional Directors at iba pang private sector representatives.