Calendar
Frasco nakatutok sa mga proyekto sa Cebu sa kabila ng budget season sa Kamara
𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗵𝗶𝗴𝗽𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝘀𝗰𝗵𝗲𝗱𝘂𝗹𝗲 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗹𝘂𝗸𝘂𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘁𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗞𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝗼 𝘀𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗯𝘂𝗱𝗴𝗲𝘁,s𝗶𝗻𝗶𝘀𝗶𝗸𝗮𝗽 𝗽𝗮 𝗿𝗶𝗻 𝗻𝗶 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗗𝗲𝗽𝘂𝘁𝘆 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗮𝘁 𝗖𝗲𝗯𝘂 𝟱𝘁𝗵 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲𝗻𝘁 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗼 “𝗗𝘂𝗸𝗲” 𝗗. 𝗙𝗿𝗮𝘀𝗰𝗼 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝘀𝗶𝘄𝗮𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗹𝘂𝗹𝘂𝗻𝘀𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗯𝗮’𝘁-𝗶𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝘆𝗲𝗸𝘁𝗼 𝗸𝗮𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗱𝗶𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗶𝗻𝗳𝗿𝗮𝘀𝘁𝗿𝘂𝗰𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗽𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗠𝘂𝗻𝗶𝘀𝗶𝗽𝗮𝗹𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗖𝗮𝗿𝗺𝗲𝗻.
Nakatutok parin ang House Deputy Speaker sa kaniyang mga proyekto sa Cebu City, sa kabila ng sunod-sunod na budget hearing sa Kamara de Representantes. Ito ay matapos nitong pangasiwaan ang groundbreaking ceremony para sa bagong Carmen public market na nagkakahalaga ng P50 million kasama na dito ang road concreting project na nagkakahalaga ng P15 million.
Ayon kay Frasco, optimistiko siya na malaking pakinabang ang maibibigay ng bagong gawang Carmen public market upang matulungan ang mga lokal na negosyante sa kanilang lalawigan na makapaghatid at makapagbenta ng kanilang mga produkto sa Munisipalidad ng Carmen.
Bukod dito, sabi pa ni Frasco na makakatulong din ang naturang public market para mapaunlad ang lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng lokal na negosyante gaya ng mga mangingisda at magsasaka na nagluluwas ng kanilang mga produkto aa Siyudad.
Ang bagong paggawang Cantipay, road ang magsisilbing access road o isang alternative road para sa mga motorista na naglalakbay sa lugar para mas maging madali ang kanilang pagbibiyahe patungo sa kanilang destinasyon.
Pinangunahan din ni Frasco ang oath-taking ni Carmen Councilor Kyle Pono bilang bagong kasapi ng TeamFrasco kasunod ng kaniyang pangako na susuportahan nito ang kongresista sa mga isinusulong nitong adbokasiya at programa para sa kaniyang distrito.
To God be the Glory