Valeriano

Lalabas din ang katotohanan kaugay sa pagbubukas ng PH sa mga Chinese nationals.

Mar Rodriguez Aug 23, 2024
32 Views

๐—ข๐—ฃ๐—ง๐—œ๐— ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ž๐—ข ๐˜€๐—ถ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐Ÿฎ๐—ป๐—ฑ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜. ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐—ฅ๐—ผ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ “๐—–๐—ฅ๐—ฉ” ๐— . ๐—ฉ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฑ๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ค๐˜‚๐—ฎ๐—ฑ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ฒ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฒ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฒ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ผ๐˜๐—ผ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜ ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ธ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ฑ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—–๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐—ฒ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ’๐˜-๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜‚๐—ฟ๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฟ๐—ถ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ.

Ipinaliwanag ni Valeriano, chairperson ng House Committee on Metro Manila Development, na napakahalagang malaman ng Komite kung bakit mistulang naging maluwag ang nakalipas na administrasyong Duterte sa mga Chinese nationals na nagpasok ng illegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Pilipinas sa kabila ng ito ay ban sa China.

Nagtataka kasi si Valeriano na pumayag ang gobyernong Duterte na makapasok sa bansa ang mga Chinese nationals at nagawa pa aniyang makapagtayo ng kanilang illegal na negosyo sa Pilipinas tulad ng illegal drugs at masangkot sa iba’t-ibang criminal activities na nakakulapol sa POGO.

Dahil dito, binigyang diin ng kongresista na isang napakalaking palaisipan o isang misteryo ang pagpasok ng POGO sa Pilipinas gayong batid aniya ng buong mundo na banned ito sa China at isang napakabigat na kasalanan na may katumbas na parusang “firing squad” ang sinomang Intsik na masasangkot sa POGO.

Sabi pa ni Valeriano na bagama’t mahigpit na ipinagbabawal sa China ang POGO operations. Subalit dito naman aniya sa bansa ay ginawa pa itong lehitimo o naging legal. Isang bagay na kinakailangan talagang ipaliwanag ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa imbestigasyon ng Quad Committee kasama na ang ilan pang opisyal ng nakalipas na administrasyon.

Naniniwala din si Valeriano na ang pugante at dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang susi para masagot ang mga katanungan at misteryong ito kung bakit pinayagan ng dating pamahalaan na mamayagagpag sa Pilipinas ang POGO gayong ban ito sa China.

“Masyadong mahiwaga ang pagpasok ng POGO dito sa Pilipinas. Iyan ang dapat masagot, ang susi dito ay si Alice Guo. Siya ang makakasagot kaya mahalaga na mapaharap siya sa imbestigasyon ng Quad Committee,” ayon kay Valeriano.

To God be the Glory