Secretary Lucas Bersamin Executive Secretary Lucas Bersamin

Palasyo kay Quiboloy: The law must take its course

Chona Yu Aug 26, 2024
49 Views

THE law must take its course.”

Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang sa ginawang pagsalakay ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City para ihain ang warrant of arrest laban kay Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, dapat na mangibabaw ang batas.

Tugon ito ni Bersamin sa akusasyon ng KOJC na politically motivated ang operasyon ng PNP laban kay Quiboloy.
Ayon kay Bersamin, may proseso sa kaso ni Quiboloy.

“The law must take its course. He is answerable to the law, the law must take its course. Meron namang process diyan,” pahayag ni Bersamin.

Nahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act, and Republic Act No. 9208, or the Qualified Human Trafficking si Quiboloy.