Pastor Quiboloy

Panawagan ng IBP na payapang sumuko si PACQ sinuportahan

Mar Rodriguez Aug 26, 2024
57 Views

SUPORTADO ng mga mambabatas ang panawagan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Davao City Chapter kay Pastor Apollo Quiboloy at kapwa akusado nito sa mga kinakaharap na kaso na payapang sumuko at sumunod sa batas.

Pinuri rin ni 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez ang IBP-Davao City Chapter sa paglalabas nito ng isang matapang na panawagang nagbibigay diin sa papel nito na siguruhing nakakamit ang hustisya nang mabilis at walang sagabal.

“This is not just about following the law; it’s about showing respect for our justice system and ensuring that due process is carried out fairly. I urge Pastor Quiboloy to heed this call and demonstrate his respect for the rule of law by submitting to the judicial process,” sabi ni Gutierrez.

Sumegunda naman si House Assistant Majority Leader at Ako Bicol Party-list Rep. Jil Bongalon at sinabi na ang pangingibabaw ng batas ay hindi maaaring mawala sa isang demokrasya.

“The rule of law is the foundation of our democracy, and no one is above it. The IBP’s statement is a clear reminder that justice must prevail, regardless of who is involved,” ani Bongalon.

Dagdag pa ni Bongalon, “I fully support the IBP Davao’s call for a peaceful surrender by Pastor Quiboloy and his co-accused. Let us all abide by the legal processes that safeguard the rights of every citizen and uphold the integrity of our courts.”

Pinuri naman ni Deputy Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre ang pagtindig ng IBP sa isang mahalagang isyu gaya nito.

“I commend the Davao City Chapter of the IBP for their strong stand on the importance of the rule of law. Their call for Pastor Quiboloy and his co-accused to surrender peacefully is a crucial step in ensuring that justice is served,” ani Acidre.

“It is imperative that all individuals, regardless of their position, comply with the law and allow our judicial system to function as it should,” punto pa nito.

Ipinaalala naman ni Deputy Majority Leader at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin ang importansya ng pananagutan upang mapanatili ang tiwala ng publiko sa legal system.

“The IBP’s insistence on a peaceful surrender by Pastor Quiboloy and his co-accused underscores the importance of accountability in our legal system,” ani Garin.

Saad pa niya, “We cannot allow anyone to evade justice. I join the IBP in calling on Pastor Quiboloy to respect the law and to surrender voluntarily so that the truth can be uncovered through proper legal channels.”

Ganito rin ang posisyon ni Deputy Majority Leader at PBA Party-list Rep. Margarita “Atty. Migs” Nograles kaugnay ng pagkilala sa batas upang mapanatili ang tiwala ng publiko at matiyak na makakamit ang hustisya.

“The IBP Davao’s statement is a clear call to uphold the rule of law in our country. Pastor Quiboloy and his co-accused must surrender peacefully, as the law requires,” ani Nograles.

“Our legal system must be allowed to operate without hindrance, and it is crucial that those accused of crimes face the charges against them in a court of law,” saad niya pa.

Naglabas ng pahayag ang IBP kasunod ng tensyon sa pagpapatupad ng arrest warrant laban kay Quiboloy, na nahaharap sa kasong child abuse, sexual abuse at human trafficking.

Ipinunto ng IBP ang kahalagahan ng pagtalima sa legal na proseso at paggalang sa otoridad ng mga korte kasabay ng paalala sa banta na harangin ang pagkamit ng hustisya.

Ang panawagan ng grupo para sa payapang pagsuko ay importante sa pagpapanatili ng kaayusan sa lipunan at integridad ng judicial system ng bansa.

One attachment
• Scanned by Gmail