Calendar
2 nakorner sa QC buy-bust; P1M shabu nakumpisa
AABOT sa mahigit P1 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang pinaghihinalaang tulak na naaresto sa buy-bust ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Quezon City Police District (QCPD) noong Linggo at Lunes.
Kinilala ni QCPD Director P/BGen. Redrico Maranan ang mga nadakip na sina alyas Rowena, 55, at alyas Lindsay, 51, ng Barrio Bareta, Olongapo City.
Nakatanggap ng tip ang DDEU na pinamumunuan P/Maj. Wennie Ann Cale hinggil sa illegal drug peddling activity ng mga suspek kaya nagsgawa ng buy-bust ang mga pulis bandang alas-6:40 ng umaga noong Agosto 25.
Unang nadakip si alyas Rowena sa 6 General Lim, Brgy. Sta Cruz, Quezon City.
Nakuha sa kanya ang 55 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P374,000, isang cellular phone, isang coin purse, isang booklet, isang ID card at ang buy-bust money.
Nitong Agosto 26, dakong alas-4:35 ng umaga, naaresto ang pangalawang suspek na nakumpiskahan ng 105 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P714,000, isang cellphone, isang bonnet at buy-bust money.
Kakasuhan ang dalawang suspek ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Quezon City Prosecutor’s Office.