Calendar
Walang sacred cows sa DOJ imbestigasyon sa pagtakas ni Alice Guo
NO sacred cow!
Pagtitiyak ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay sa ginagawang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) sa pagtakas sa bansa ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Sa ambush interview sa Malakanyang, sinabi ni Pangulong Marcos na nakausap na niya si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla para bigyan ng update sa resulta ng imbestigasyon.
Pag-amin ni Pangulong Marcos, itinago sa kanya ng Bureau of Immigration (BI) na nakatakas na ng bansa si Guo.
“Oh yes, definitely,” pahayag ni Pangulong Marcos nang tanungin na hindi ipinabatid sa kanya ng BI na wala na sa Pilipinas si Guo.
“So DOJ was just with the secretary earlier today. He’s almost finished with a very thorough investigation. We will identify all of those who have, all of those who are involved in this, and we will act very quickly,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Ayon sa Pangulo, tiyak na may masisibak na mga opisyal ng BI.
“Very, very good idea. I have a very good idea,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“Well let’s not… That’s the last part of this, how far, how deep does this go. Isa lang ba ang tao na involved, o marami sila, o sindikato ito, that’s what we are doing,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Una nang sinabi ni Senador Risa Hontiveros na nagtungo si Guo sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Pagkatapos sa Malaysia, nagtungo si Guo sa Singapore at ngayon ay nasa Indonesia.