Barbers

Mga kabulastugan ng nakalipas na admin unti-unti ng sumisingaw — Cong. Ace Barbers

Mar Rodriguez Aug 29, 2024
65 Views

Barbers1Barbers2Barbers3๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š c๐—ต๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ผ๐˜‚๐˜€๐—ฒ ๐—ค๐˜‚๐—ฎ๐—ฑ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ฒ,i๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ถ ๐—ฆ๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ผ ๐—ฑ๐—ฒ๐—น ๐—ก๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฒ ๐Ÿฎ๐—ป๐—ฑ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜. ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐—ฅ๐—ผ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ ๐—”๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฆ. ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐˜๐—ถ-๐˜‚๐—ป๐˜๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ฏ๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—น ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐—ต๐—ถ๐—บ ๐—ผ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜€๐˜๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐˜‚๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ฑ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ด๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐˜๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ถ๐—บ๐—ผ๐—ป๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐˜๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ถ๐—ด๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป.

Ayon kay Barbers, bunsod ng mga naganap na pangyayari sa kanilang pagsisiyasat dito umano naisasabuhay ang kasabihang “walang lihim na hindi mabubunyag at walang baho na hindi sisingaw” dahil sa mga rebelasyong inihayag ni Police Col. Jovie Espendido, ang dating hepe ng pulisya sa bayan ng Albuera, Leyte at Ozamiz City sa Misamis Oriental.

Ipinaliwanag ng kongresista na dahil sa mga nakagigitlang rebelasyon ni Espenido hindi maiiwasan na unti-unting nabubungkal at nahahalukay ang mga sikretong ikinukubli ng nakalipas na administrasyong Duterte gaya na lamang ng pag-uugnay ni Espenido kay dating Philippine National Police (PNP) Chief at ngayo’y Senador Ronald “Bato” Dela Rosa bilang protektor o “padrino” ng mga pinaghihinalaang bigtime drug lord.

Bukod dito, sabi pa ni Barbers na nakakaalarma din ang mga naging pahayag ni Espenido na may ilang matataas na opisyal ng PNP ang nagbibigay ng proteksiyon sa mga sindikato ng illegal na droga at mga bigtime drug lords.

Dahil dito, binigyang diin ni Barbers dahil sa masyadong mabibigat at seryoso ang mga naging pagsisiwalat ni Espenido sa Quad Committee, napakahalaga na marinig ang panig nina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Sen. Dela Rosa para pasinungalingan o pabulaanan ang mga isinawalat ng nasabing Police official.

Dagdag pa ng mambabatas na isa sa mga masyadong mabigat na akisasyon o testamento ni Espenido ay ang usapin ng mga nangyaring pagpatay sa mga hinihinalang drug users at drug pushers na ayon sa kaniyang pagbubunyag ay mga ordinaryong indibiduwal lamang na nasangkot sa kaso illegal na droga.

Dahil sa mga kaganapang ito, naniniwala si Barbers na marami pang lihim o kontrobersiya ang mahahalukay ng Quad Committee sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa mga darating na araw.