Binatilyo

18-anyos na kelot timbog sa kasong pagpatay

Edd Reyes Aug 31, 2024
49 Views

TIMBOG ang 18-anyos na lalaki noong Biyernes sa Malate, Maynila dahil sa kasong pagpatay sa Pasay City.

Biyernes ng bago magtanghaling-tapat nang masukol si alyas Jason ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Pasay police si Jayson sa isang bahay sa Leon Guinto St. Malate matapos magtago makaraang masangkot sa pa-traidor na pagpatay sa Pasay City.

Maayos namang naisilbi ng mga tauhan ni Col. Pabonita ang warrant of arrest na inilabas ni Pasay City Regional Trial Court (RTC) Judge Christian Castaneda ng Branch 108.

Walang piyansang inirekomenda ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Nakapiit ngayon sa custodial facility ng Pasay City police ang suspek habang hinihintay ang commitment order ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa Pasay City Jail.