KAMARA INAPRUBAHAN ANG PANUKALA VS BULLYING
Aug 26, 2026
Calendar
Nakahandusay at wala ng buhay ang driver ng E-Bike matapos masagi at takasan ng driver ng truck sa Mel Lopez Blvd., Tondo, Manila. Kuha ni JonJon Reyes
Metro
Kelot na naka-e-bike nasagi ng truck, patay
Jon-jon Reyes
Aug 31, 2024
660
Views
PATAY ang isang lalaki na nagmamaneho ng e-bike nang masagi ng truck sa Mel Lopez Boulevard sa Tondo, Maynila noong Biyernes.
Kinilala ni Police Major Anthony Olgado, hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit, ang biktima na si Alejandro Ormenita, 56, ng 521 Inocencio St., Pasay City.
Ayon kay PMaj. Jaime Gonzales Jr., bandang alas-9:10 ng gabi ng maganap ang insidente habang binabaybay ng truck ang southbound lane ng Mel Lopez Blvd.
Pagsapit sa kanto ng Pacheco St., biglang sumulpot ang E-Bike na minamaneho ng biktima kaya nasagi ng truck.
Tumilapon ang biktima ng masalpok ng truck at tumakas ang truck driver matapos ang insidente.
89 bagong kaso ng leptos sa Maynila, 2 pa tigok
Aug 26, 2026
Mekaniko arestado sa iligal na pagpapaputok ng baril
Aug 26, 2026
QC cops bumira; 133 kriminal tiniklo
Aug 25, 2026
Lalaki buking na nagnenenok ng kable, tiklo
Aug 25, 2026
Train set para sa NSCR nasa ‘Pinas na
Aug 25, 2026

