ivan

Matapang na si Usec. Badoy ginigipit dahil sa kanyang trabaho

Ivan Samson Mar 23, 2022
273 Views

HINDI na nga nakapagtaka ang pahayag kamakailan ng dating Secretary General ng Pasakaday Salugpongan Kalimudan (PASAKA) na bago umano siya bumitiw sa armadong grupo, nauulinigan na niya na si VP Leni ang kanilang manok para sa pagkapangulo.

Subalit mariin namang itinanggi ni VP Leni na siya ay kakampi ng mga komunista o ng New People’s Army (NPA). Pinasinungalingan niya ang mga reports na nag-uugnay sa kaniya sa NPA.

Hindi naman ito ikinatuwa ng NTF-Elcac o ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict. Anila, iniinsulto ni Robredo ang katalinuhan ng mga Pilipino sa kaniyang mga pagtatanggi sa lihim na ugnayan nila ng Communist Party of the Philippines, New Peoples Army, and the National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Lubhang apektado si Leni Robredo sa mga isyu ukol sa ugnayan sa makakaliwa. Idineklara niya sa kaniyang mga naunang pahayag na siya ay tutol sa mga kaparaanan na ginagamit ng mga komunista sa pagpapahayag nila ng kanilang mga saloobin at pinaglalaban sa gobyerno. Ngunit bakit tila yata ay si Robredo ang numero unong sinusuportahan ng mga grupong komunista?

Ayon kay NTF-Elcac spokesperson and Undersecretary Lorraine Marie Badoy, ang katotohanan lamang na walang iba kundi ang tagapagtatag ng teroristang organisasyong ito, si Joma Sison, ay nag-tweet ng kanyang opisyal na pag-endorso kay Leni. Aniya “his official endorsement of her is proof positive that this marriage made in the bowels of hell has been consummated.”

Matatandaan na si Robredo rin ang pambato ng Makabayan Bloc na ayon kay Usec. Badoy ay ang “urban operatives of the CPP NPA NDF.” Ang pag-endorso na ito kay Leni Robredo ay pag-endorso ng Komite Sentral ng CPP-NPA-NDF, isang organisasyon na itinalagang teroristang organisasyon ng Anti-Terrorism Council at idineklara rin bilang teroristang organisasyon ng Pilipinas, US, UK, New Zealand, EU, Australia at Canada.

May mga ulat din na maraming namataang operatiba ng CPP sa campaign rally na idinaos ng kampo ni Robredo sa Cavite.

Ayon kay Usec. Badoy, hinihintay ang pampublikong pagkondena ng Bise Presidente sa CPP-NPA-NDF at ang kanyang bukas na imbitasyon para sa KABAG na gawin din ito. Kung hindi, nararapat nating ipagpalagay na hindi umano siya karapat-dapat sa ating pagtitiwala at pinahahalagahan niya ang ilang boto na sinasabi ng CPP-NPA-NDF na maibibigay nila sa kanya ng higit pa sa buhay natin at buhay ng ating mga anak at kapalaran ng ating bansa.

Dahil sa pangyayaring ito, samut’ saring pangbabatikos at kaso ang natanggap ni Usec. Badoy. “Hindi wastong ugali ng isang pubiko-opisyal ang pagbabato ng mabigat ngunit walang batayang akusasyon. Hindi akma sa mataas na posisyon ni Usec. Badoy ang paninirang-puri at pananakot sa kapwa publiko-opisyal, at higit pa, sa ordinaryong mamamayan. Walang puwang sa pamahalaan lalo na sa nakapangyayaring posisyon sa state media ang taong nagsisimula at nagpapakalat ng fake news,” ayon sa complaint na pirmado nina Vladimer Quetua and Ophelia Tabacon.

Ating subaybayan ang mga susunod na pangyayari ukol sa isyung ito.