KAMARA INAPRUBAHAN ANG PANUKALA VS BULLYING
Aug 26, 2026
Calendar
Tatlong motorsiklo at isang matandang babae ang nadaganan ng steel beam matapos kumalas sa truck na may dala nito sa Mel Lopez Blvd., Tondo, Manila.
Metro
Ginang sugatan, 3 motor yupi sa steel beam na nahulog sa truck
Jon-jon Reyes
Sep 1, 2024
497
Views
SUGATAN ang 64-anyos na ginang at tatlong motorsiklo ang nadaganan ng steel beam na nahulog mula sa tractor head na dumadaan sa Mel Lopez Boulevard at Marjovic Road sa Vitas Tondo, Maynila noong Sabado.
Nahaharap sa kasong Multiple Damage to Properties at Slight Physical Injury ang driver ng truck na nakilalang si Leopoldo Gunday, 47, ng Marilao, Bulacan.
Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Allanion Dela Cruz, bandang alas-4:30 ng umaga nang maganap ang insidente. habang tinatahak ng tractor head ang lugar.
Biglang kumalas ang mga steel beam pagliko ng truck, ayon sa report, at aksidenteng tinamaan ang tatlong naka park na motorsiklo sa tabi ng kalsada at nasugatan ang 64-anyos na noo’y nasa loob ng tindahan.
89 bagong kaso ng leptos sa Maynila, 2 pa tigok
Aug 26, 2026
Mekaniko arestado sa iligal na pagpapaputok ng baril
Aug 26, 2026
QC cops bumira; 133 kriminal tiniklo
Aug 25, 2026
Lalaki buking na nagnenenok ng kable, tiklo
Aug 25, 2026
Train set para sa NSCR nasa ‘Pinas na
Aug 25, 2026

