Shabu

P102K shabu nakumpiska sa 2 suspek na tulak sa Port Area

Jon-jon Reyes Sep 1, 2024
28 Views

DALAWANG hinihinalang tulak ng shabu ang nasakote ng mga pulis ng Manila Police District (MPD) kasama ang dalawang babae na umano’y kasabwat sa Maynila noong Biyernes.

Unang natiklo sa Francisco St., Brgy. 590, Zone 58, Sta. Mesa bandang alas-5:58 ng umaga si Alexander alyas Jr., 43, at kasabwat na si alyas Marilyn, 48.

Naaktuhan ang dalawa na nagbebenta ng droga at narekover ang mahigit kumulang sa 15 gramo ng shabu na may street value na P102,000.

Bandang alas-7:10 ng umaga noong Biyernes, timbog si alyas Kakay, 31, kasama ang kasabwat na si alyas Omel, 47, nang ikasa ng mga operatiba ng Baseco police station 13 ang buy-bust sa Block 17, Old Site, Baseco compound, Port Area sa pangunguna ni Police Captain Edgar Julian.

Nakitaan ang dalawa ng limang bulto ng hinihinalang shabu na may street value na P34,000.