Amerikano

Mag-asawang Amerikano hinarang sa NAIA 4, nakuhanan ng liquid marijuana

28 Views

Amerikano1HINARANG ng mga tauhan ng NAIA-PDEA at PNP AVSEGROUP ang mag-asawang American national matapos makuhanan ng vape na naglalaman ng liquid marijuana sa NAIA terminal 4 noong Setyembre 1, 2024

Ayon report ng PDEA natuklasan ng OTS personnel ang dalawang manipis na maliliit na vape ng pasahero nang dumaan ang mag-asawa sa final security checkpoint kung saan isa dito ay may laman na liquid marijuana.

Paliwanag ng babaeng pasahero ginagamit niya ang liquid marijuana bilang gamot sa kanyang sakit.

Papaalis sana ang mag-asawa sakay ng Air Swift flight T6-0142 patungong to El Nido para magbakasyon subalit naudlot ito dahil hindi niya akalain na bawal ang kanyang gamot sa Manila.

Walang magawa ang pasahero kundi ang umiyak na lamang dahil hindi tinanggap ng PDEA ang kanyang paliwanag bagamat legal sa kanilang bansa ang liquid marijuana bilang gamot.

Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng marijuana sa Pilipinas. Ni JOSEPH MUEGO