Abortion Iniimbestigahan ng mga pulis sa MPD ang babae na umano’y nagpa-abort sa pamamagitan ng pag-inom ng cytotec.

Dalaga, 18, arestado sa paglaglag ng pinagbubuntis; jowa, 27, huli din

Jon-jon Reyes Sep 2, 2024
23 Views

INARESTO ng mga pulis-Maynila HINDI ang 18-anyos na estudyante at 27-anyos na lover nito dahil sa kasong intentional abortion sa Balut St., Tondo, Maynila noong Linggo.

Ayon kay Police Master Sergeant Irene Manuyag ng Children and Women Protection Section ng Raxabago Police Station 1 ng Manila Police District (MPD), bandang alas-9:27 ng gabi nang mag report ang Tondo Medical Center tungkol sa naturang abortion.

Nadiskubre ni Manuyag na uminom ng cytotec, gamot na pampalaglag ng buntis, ang suspek na si Maricele. Nahuli din ang lover niya na si alyas Cesar.

Ayon sa report, noong Agosto 20 uminom ng 12 cytotec ang biktima kaya kinabukasan wala nang patid ang pagdurugo nito

Naging matamlay ang dalaga hanggang sa madiskubreng nagpalaglag ito at nabuking sa boyfriend nito na ipinaalaglag ang bata.

Napag-alaman kay Dr. Zhian Ira Sy, attending physician, na nasa limang linggo pa lamang sa sinapupunan ang fetus ng ipalaglag.