Romblon lone Dist

House Committee on Tourism malaki ang papel para sa pagpapalakas ng turismo

Mar Rodriguez Sep 4, 2024
80 Views
𝗡𝗔𝗡𝗜𝗡𝗜𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗮𝗻𝗴 c𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗥𝗼𝗺𝗯𝗹𝗼𝗻 𝗟𝗼𝗻𝗲 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗘𝗹𝗲𝗮𝗻𝗱𝗿𝗼 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 “𝗕𝘂𝗱𝗼𝘆” 𝗙. 𝗠𝗮𝗱𝗿𝗼𝗻𝗮 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗽𝗲𝗹 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗹𝗼𝗸𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗹𝗶𝗱𝗲𝗿 𝗴𝗮𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗼𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝘀𝘂𝘀𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺𝗼 𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀.
Ayon kay Madrona, hindi maaaring isangtabi o balewalain ang napakahalagang papel na magagawa ng mga lokal na lider para sa promotion ng Philippine tourism partikular na sa mga makasaysayang lugar kung saan matatagpuan ang mga napakaganda at kaakit-akit na tourist destination.
Paliwanag pa ni Madrona na sa pamamagitan ng mga barangay officials at ang buong kawani nito, unti-unti nilang napapaunlad ang lokal na ekonomiya sa kanilang mga lugar sa pamamaraan ng pagpasok ng mga lokal at dayuhang turista kung saan sila ang tumitiyak na ligtas ang kanilang nasasakupan para sa mga bisitang turista.
Sabi pa ng kongresista na sinasang-ayunan din nito ang pahayag ni Department of Tourism (DOT) Sec. Maria Christina Garcia Frasco na ang mga pangunahing proyekto ng ahensiya tulad ng Tourism Rest Areas (TRA) kasama na ang Tourism Road Infrastructure Program (TRIP) ay naglalayong palakasin ang lokal na ekonomiya.
Nauna rito, naging panauhing pandangal si Sec. Frasco sa 2024 national Congress ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas (LMBP) kung saan binigyang diin ng Kalihim ang mahalagang papel ng mga “grassroots leaders” sa pagpapaunlad ng turismo ng Pilipinas.
Sinabi ni Frasco na bilang Kalihim ng Tourism Department. Patuloy siyang ginagabayan ng mga lokal na Barangay sa pagsusulong nito ng mga proyekto at adbokasiya para sa turismo ng bansa.
𝗧𝗼 𝗚𝗼𝗱 𝗯𝗲 𝘁𝗵𝗲 𝗚𝗹𝗼𝗿𝘆