Jun Legaspi

Airline industry ‘flying high’ muli sa new normal

Jun I Legaspi Mar 24, 2022
215 Views
Montreal
NAIA General Manager Ed Monreal

MAGANDA at masayang balita para sa bansa. Ang airline industry at local and foreigner tourism ay sumisigla na uli indikasyon na recovery ng negosyo ng mga airlines, tourists, hotels, at mga travel agency.

Katunayan sa mga press releases na inilabas ng Philippine Airlines, Cebu Pacific, at AirAsia nagdagdag na sila ng mga flights dahil parami na ang mga regular travellers, local at international, bukod pa sa mga local at foreign travelers.

Ayon sa mga airline managements positibo ang kanilang pananaw at mga plano para sa mas malawak, na operations at full recovery ng industriya.

Sa katunayan anya triple time ang mga travel agency sa mga booking ng mga nagbabakasyon kandaugauga rin ang mga hotels, high end o low end man sa mga over booked na mga customers in advance.

Kasabay nito, tiniyak ng mga airline management na patuloy pa rin nilang ipinatutupad ang safety at health protocols sa pinakamataas na antas para sa tiyak ang kaligtasan ng mga pasahero, stewardess, stewards, co-pilots at pilots under the new normal.

Tinitiyak ng mga airline management pag-touchdown ng mga eroplano agad itong dinidisinfect at bago lumipad sa kanyang destination disinfected ang bawat eroplano.

Ayon sa mga airline managements hindi nila i-compromise ang safety at kalusugan ng mga pasahero lalo na ng kanilang mga personnel.

“Safety muna bago trabaho,” saad ng mga ito.

Sa katunayan ang PAL ay nagbigay ng promo na five millions seats value-packed deal para sa kanilang mga pasahero.

Ang Cebu Pacific ay ibinalik na rin ang mga low-cost na pamasahe lalo na sa mga domestic flights nito.

Hindi rin nagpahuli ang Air Asia na may mga promo na low cost na pamasahe rin na offer para sa kanilang mga loyal na pasahero.

Maganda itong may competition dahil ang mga pasahero ang makikinabang habang sumisigla ang airline industry sa new normal.

Nagbigay na rin ng mga announcement ang mga airline companies. Sa susunod na mga araw ay ibabalik ang domestic operations sa Teminal 4 hudyat din na normal na ang operation na sa new normal.

Sa huling datus na inilabas ni Commission on Immigration Port Operations Division Chief Atty. Carlos Capulong, umabot na sa 12,000 ang daily arrivals sa mga airports ng bansa patunay na sumusigla na talaga ang airline industry at turismo na magbibigay ng maraming trabaho at income sa bansa.

Pinasasalamatan din po natin ang mabait na General Manager ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Ed Monreal, sa mahusay at maayos na leadership.

Sir Maraming Salamat po!.

Mabuhay ang Ariline Industry!