CAAP

Security checking na lahat ng airport pasahero mahigpit — CAAP

Jun I Legaspi Sep 5, 2024
46 Views

IGINIIT ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na mahigpit ang security checking sa lahat ng pasahero sa mga airport at mga pasahero ng chartered flights.

Sa direktiba ng CAAP na pirmado ni Director General Capt. Manuel Antonio Tamayo, inaatasan ang lahat ng area center managers at airport managers na pangasiwaan ang pagproseso ng lahat ng dokumentaryo at mga kinakailangan sa seguridad para sa pagdating at pag-alis ng mga pasahero sa mga paliparan na pinapatakbo ng CAAP maliban sa mga flight ng militar.

Pabor si Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. sa pagpapatupad ng memorandum ng CAAP.

Sa kanyang pagbisita sa Laguindingan Airport noong Setyembre 3, dumaan mismo si Abalos sa comprehensive security screening sa terminal.

Ang memorandum circular, na inilabas noong Pebrero 2023 bunsod ng pagtulak ni Sen. Raffy Tulfo na tiyakin na maging ang mga VIP (very important person) na pasahero sumasailalim sa strict screening gaya ng mga regular na pasahero, layunin na matiyak ang seguridad at maiwasan ang mga potensyal na ilegal na aktibidad sa mga airports.