Dam Source: PNA

PAGASA nagbabala ukol sa pag-apaw ng La Mesa Dam

113 Views

H20 sa La Mesa dam lagpas na sa spilling level–PAGASA

LUMAMPAS na sa spilling level ang tubig sa La Mesa Dam noong Huwebes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dahil sa walang patid na ulan.

Batay sa monitoring ng Pagasa Hydro-Meteorology Division, bandang ala-1:00 ng hapon umabot na ang water level sa dam sa 80.16 metro o 0.01 meter above sa spilling level nito.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na ang pag-apaw ng La Mesa Dam maaaring makaapekto sa mga mabababang lugar sa Tullahan River sa Quezon City (Fairview, Forest Hills Subdivision, Quirino Highway, Sta. Quiteria, at San Bartolome), Valenzuela (North Expressway, La Huerta Subdivision ) at Malabon.

Pinapayuhan ng weather bureau ang mga residenteng naninirahan sa nasabing mga lugar na manatiling alerto at mag-ingat.

Bagama’t nakalabas na ng bansa ang bagyong Enteng noong Miyerkules, sinabi ng PAGASA na ang habagat ang magpapaulan sa Luzon hanggang Sabado.