lacson

Lacson higit na lumakas, kampanya lalong nagka-direksyon—spox

305 Views

WALANG magbabago sa desisyon at paninindigan ni presidential candidate Panfilo ‘Ping’ Lacson sa kabila ng pagbibitiw niya bilang chairman at miyembro ng Partido para sa Demokratikong Reporma dahil itutuloy pa rin niya ang kanyang krusada ngayong Halalan 2022.

Sinabi ito ng tagapagsalita ni Lacson na si dating Congressman Ashley ‘Ace’ Acedillo sa panayam ng ANC, Huwebes ng tanghali, kasunod ng anunsyo ni Lacson na kumalas na siya sa partido at magiging independent presidential candidate.

Ito ay makaraang ipagbigay-alam sa kanya ni dating House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez na ang kanilang hanay sa Davao del Norte—sa pangunguna ng secretary-general ng kanilang partido na si provincial Governor Edwin Jubahib—ay nagdesisyong i-endorso ang ibang presidential candidate.

Paglilinaw ni Acedillo, si Lacson na mismo ang nagdesisyong magbitiw bilang party chairman. “Rather than to split the party, minabuti na ni Senator Lacson to resign as chairman,” aniya.

Ayon pa sa tagapagsalita ni Lacson, wala sa kanilang mga naging pag-uusap ang ganitong aksyon sa loob ng partido, “Were operating under the assumption that tuloy ang suporta ng Partido kay Ping Lacson. So, we were all operating under that assumption, and in my case, as a spokesman, I was only informed shortly before the presscon that there was indeed such a development.”

Dagdag niya, “Kami naman we view it from the perspective that maybe Speaker Bebot and his team may have underestimated Panfilo Lacson as a candidate and may have overestimated, as well, the chances of the next candidate that they’re going to endorse.”

Maaari rin umano, ayon pa kay Acedillo, na nakikita ng iba na isang unos ang pangyayaring ito sa kampanya ni Lacson, pero para sa kanilang kampo, isa itong oportunidad dahil mas magiging malakas at magkakaroon ng direksyon ang kanilang mga susunod na hakbang.

“Noong naramdaman na nga natin ‘yung paghina ‘nung suporta ng Partido Reporma, especially in the Davao del Norte area and in some parts of Mindanao, we had to mobilize also. So, siguro masasabi natin na maluwag na ang pagtanggap dito kasi at least malinaw na ang mga bagay-bagay,” pahayag ni Acedillo.

Sinabi rin ni Acedillo na bilang isang dating sundalo ay napaghandaan na ni Lacson ang ganitong pangyayari tuwing panahon ng eleksyon.

“Kasi ‘nung nakikita na nga niya ‘yung pagtumal ‘nung suporta, it had to come to a particular conclusion. And this development today made that conclusion very clear already, that there had to be a parting of ways. That being the case, being the former soldier that he is, napaghandaan na ni Ping Lacson ang eventuality na ‘yan,” ani ng spokesperson ni Lacson.

Kahit pa isa nang independent candidate, mas lumakas pa ang suporta kay Lacson ayon pa sa kanyang tagapagsalita. Aniya, “We were also able to tap naman our other sources of support. We have what we call our Lacson-Sotto support group and is a nationwide network of supporters.